Operating hours ng LRT1, mas pinaigsi sa Christmas Eve at New Year’s Eve – LRMC
ni Lolet Abania | December 16, 2022

Inanunsyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1), ang implementasyon ng pagpapaigsi ng kanilang operating hours sa bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon bilang paggunita ng papalapit na holidays.
Sa isang advisory, sinabi ng LRT-1 operator na para sa Disyembre 24 (Christmas Eve), ang last train service sa Baclaran Station ay aalis ng 8PM habang ang last train service mula sa kabubukas lamang na Roosevelt Station ay aalis ng 8:15PM.
Para sa Disyembre 31, (New Year’s Eve), ayon sa LRMC, ang last train services mula Baclaran Station ay hanggang 7PM at sa Roosevelt Station ay 7:15PM.
Ang first trip naman para sa naturang mga petsa ay pareho pa ring aalis ng train line ng 4:30AM, anang kumpanya.
Ayon pa sa LRT-1 operator, patuloy naman silang maglilingkod sa mga pasahero ng Christmas Day, Disyembre 25, 2022; Rizal Day, Disyembre 30, 2022; at New Year’s Day, Enero 1, 2023.
“Passengers of LRT-1 are advised to plan their trips ahead of time,” saad ng LRMC.





Comments