Ontillas ng Angels, nilunod ang Water Defender sa PVL
ni Gerard Arce - @Sports | March 18, 2022

Nagliliparang mga palo at nagtataasang depensa ang ipinamalas ng Petro Gazz Angels para sungkitin ang 3-1 na panalo (25-14, 25-20, 23-25, 25-21) laban sa Bali Pure Water Defender kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa Paco Arena Events & Sports Center sa Maynila.
Naging malaking sandalan para sa Angels ang malawak na karanasan ni veteran spiker Aiza Maizo-Pontillas na pumalo ng 10pts at 14 excellent digs, habang nakita sa iba’t ibang sulok ng playing court si three-time NCAA MVP mula San Sebastian Lady Stags ng kumana ito ng 12pts kabilang ang 6 na service aces, 14 excellent digs at 11 successful receptions. Nagbigay rin ng tig-12pts sina Filipino-American Mar Jana Philips at dating FEU Lady Tamaraw Mary Joy Palma.
“Nag-focus lang sa kami sa laro namin at nag-aadjust kami kung anong dapat i-adjust habang nilaro lang namin yung dapat naming ilaro,” pahayag ng 34-anyos na dating UST spiker mula Passi City, Iloilo. “Marami kaming service error at nag-usap kami sa loob para kung sino ang kukuha ng pwesto at dapat maayos yung balikan ng bola, tsaka focus lang sa service at depensa.”
Naguna naman para sa Water Defender si Janine Marciano sa 19pts habang may 11pts si Genievive Casugod.
Sa takbo ng mga laro, maagang bumanat ng magandang atake ang Petro Gazz sa first set ng ipalo nito ang 14 puntos, kabilang ang 3 services aces kumpara sa 8 puntos lamang ng Bali Pure, habang binalot naman ng pagkakamali ang Water Defenders sa ipinamigay na 8 puntos para sa 25-14 na pananaig sa unang paluan.





Comments