top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Online seller na ‘di nagbibigay ng discount sa senior, sampolan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 19, 2023


Ilang araw na ang nakararaan mula nang ipaalala ang batas sa pagbibigay ng diskwento sa senior citizens na may transaksyon online.


Gayunman, hanggang ngayon ay tila dedma lang ang mga online seller.


Kaya kinalampag na ng National Commission for Senior Citizens (NCSC) ang mga pasaway na magbigay ng 20 percent discount sa mga senior na customers.


Matatandaang, Agosto noong nakaraang taon nang aprubahan ang Republic Act 994 o ang batas na nagkakaloob ng mga dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa senior citizens.

Nakadidismaya dahil hindi naman pala binibigyan ng discount ang mga matatanda na bumibili sa pamamagitan ng online transactions tulad ng gamot, pagkain, groceries at iba pa.

Sakop din sa discount ang pamasahe o pagbili ng tiket sa mga pampublikong transportasyon tulad ng bus, eroplano at barko na ginagawa na rin sa pamamagitan ng online.

Kaugnay nito, hinikayat na rin ang mga senior citizens na magsumbong o agad iparating sa tanggapan ng NCSC sakaling makaranas ng transaksyon online sa mga serbisyo at produkto na wala pa ring discount.


Masyado nang matagal ang isang taon na pagbabalewala sa nasabing batas, kailangan nang may managot. Alam naman natin na hangga’t walang nakikitang nasasampolan ay hindi talaga natitinag ang mga pasaway.


Bagama’t nauunawaan natin ang kalagayan ng negosyo sa panahon ngayon, sana ay maintindihan at irespeto rin natin ang batas na binuo para kahit paano ay makapagbibigay ng tulong sa ating senior citizens.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page