top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

'Online groomers' nahuli, ano'ng susunod?

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 9, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi dapat matapos sa pagkakaaresto sa 50 umano’y online groomers at pagkakaharang sa 53 naiulat na planong pamamaril sa mga paaralan ang pagkilos ng mga awtoridad. 


Bagama't mahalagang napigilan ang mga posibleng panganib, mas malaking hamon ngayon ang pagtiyak na hindi na mauulit ang mga ito.


Kailangang palalimin ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot, kung paano nabuo ang mga banta, at kung may mga kabataang nangangailangan ng agarang proteksyon. 


Dapat ding tiyaking may sapat na ebidensya upang mapanagot ang mga lumabag sa batas.


Kasabay nito, dapat palakasin ang koordinasyon ng mga paaralan, pulisya, magulang at mga online platform. 


Mahalaga ang malinaw na sistema ng pag-uulat, maagap na pagtugon sa mga banta, at pagbibigay ng psychosocial support sa mga kabataang naapektuhan.


Hindi sapat na naharang ang panganib ngayon kung mananatili ang mga kahinaang maaaring samantalahin sa hinaharap. 


Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng naaresto o napigilang banta, kundi sa mga konkretong hakbang upang hindi na magkaroon ng panibagong biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page