top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

"Online Chess, nakakarelaks walang risky travels" — Joey

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2020
  • 2 min read

ni MC - @Sports | July 24, 2020




Kung marami pa ring sports ang hindi naidaraos ngayon dahil sa outbreak ng deadly coronavirus disease, ibahin ang larong ahedres dahil patuloy na namamayagpag ang chess players ng Pilipinas sa pamamagitan ng online games.


Hindi lang mga professionals ang sumasabak sa online games kundi maging ang amateurs na pawang nagtatagumpay.


Sina Asia’s first GM Eugene Torre at ang newly-crowned Seniors online chess champion GM Rogelio ‘Joey’ Antonio magkagayunman ay nami-miss din ang harapang sulungan pero kailangan na talagang gawin online para magtuluy-tuloy ang torneo.


This is good for chess. Tuloy-tuloy lang ang ahedres kahit ngayong panahon na may pandemic,” ayon kay Torre sa 4th Usapang Sports on Air ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom kahapon.


Aminado si Torre na ang pagsusulong ng piyesa sa computer ay ibang-iba talaga sa aktuwal na magkaharap sa isang board ang competitors, pero ang talent at strategy pa rin talaga ang mananaig sa sport.


May konting variation lang siguro yun gagamit ka ng laptops at internet para makapaglaro,pero ganun din. You still need to study hard and play hard to excel in chess,” paliwanag ni Torre sa lingguhang forum ng PSC at ng PAGCOR.


Online chess is basically the same game that we play. When other were halted in March because of the pandemic, mas madami ang naglalaro ngayon ng online chess.”


Idinagdag pa ng 68-year old na si Torre, na nagsisilbing head coach ng 12-anyos na Philippine team player para sa unang FIDE Online Olympiad, kailangang mentally at physically fit ang manlalaro sa kompetisyon ng online.


Sa chess, you don’t only have to be mentally prepared, but also physically fit. Siguro idagdag na rin natin ‘yun pangatlo, yung pagiging spiritually ready,” dagdag ni Torre na regular na naglalakad sa kanilang subdivision sa QC ngayong pandemic upang mag-ehersisyo.


Idinagdag naman ng tinaguriang “Ironman” ng online chess na si Antonio na may libong beses nang lumalahok sa laptop games na madali lang maka-adjust sa paglalaro sa computer chessboards.


Mas madali nga sumali sa mga online chess tournaments. You don’t have to worry about other things, like travel and hotel accommodations,” ani Antonio na noong isang araw ay nagkampeon sa 2020 Asian Seniors online chess tournament.


Hindi naman kailangang magmadali na maglaro sa personal na chess boards lalo na ngayong may pandemic pa.


Sa chess, yun ang mga tinatawag na risky moves. Mahirap pa maglaro ng chess ngayon, lalo na mataas pa ang mga kaso ng mga nagkakaroon ng sakit,” paliwanag ni Torre. “Hintayin na lang muna natin ang go-signal ng gobyerno kung ligtas na. Sa ngayon, mag-online chess muna.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page