top of page
Search
  • BULGAR

Online casino, target ng PAGCOR

ni BRT @News | July 22, 2023




Nakatakdang ilunsad sa susunod na taon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang sarili nitong online casino.


Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na layon ng gambling site na “CasinoFilipino.com” na kumuha ng mga virtual reality based technology.


Ang mga maglalaro aniya ay makakadama ng para na rin silang nasa physical na mga casino.


Makakaakit aniya ito ng mga audience sa iba’t ibang panig ng mundo.


Sa kasalukuyan aniya ay inayos na rin nila ang mga slot machines at nakatakdang gumawa ng sariling IT programs at system na makatutulong sa pagsasaayos ng kanilang management systems.


Tiwala rin si Tengco na mahihigitan nila ngayong taon ang kanilang target collections.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page