top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Onli in da ‘Pinas na malago raw ang ekonomiya, pero ang daming naghihirap

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 10, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG PAKINABANG ANG MAMAMAYAN SA SANIB-PUWERSA NG MGA PARTIDONG PULITIKAL -- Nagsanib-puwersa na ang partido ng magpinsang Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Speaker Martin Romualdez na Lakas-CMD.


Sa totoo lang, silang mga pulitiko lang naman ang makikinabang d’yan sa alyansa ng kanilang mga political party at hindi ang taumbayan, kasi hindi naman giginhawa ang pamumuhay ng mga Pinoy sa alyansang PFP at Lakas-CMD, period!


XXX


MALAGO RAW ANG EKONOMIYA NG ‘PINAS, PERO ANG DAMING PINOY NAMANG NAGHIHIRAP -- Ibinida ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas daw ng 5.7% ang ekonomiya ng Pilipinas.


Kung totoo iyan, aba’y onli in da ‘Pinas lang na malago raw ang ekonomiya, pero naghihirap ang mamamayang Pinoy, boom!


XXX


ANG GULO KUNG MAGLABAS NG DATOS ANG PSA -- Ang gulo kung maglabas ng datos ang PSA, kasi tulad n’yan ibinida nila na lumago raw ang ekonomiya ng Pilipinas, pero silang mga taga-PSA din ang naglabas ng data na pumalo na sa higit 2 milyong Pinoy ang nadagdag sa mga jobless sa ‘Pinas.


Mantakin n’yo, ang daming Pinoy ang naghihirap at nakakaranas ng gutom at nasa 2 M

Pinoy pa ang nadagdag sa mga nawalan ng trabaho, tapos ibibida ng PSA na malago raw ang ekonomiya ng ‘Pinas.


Kung totoo kasing malago ang ekonomiya, dapat walang Pinoy ang naghihirap, nagugutom at dapat marami ang may work, period!


XXX


BUWAGIN NA ANG NTC-ELCAC, KASI SC NA ANG NAGSABI NA ANG GAWAIN NITONG RED-TAGGING BANTA SA BUHAY, KALAYAAN AT SEGURIDAD NG MAMAMAYAN -- Idineklara na ng Supreme Court (SC) na banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng mamamayan ang “red-tagging” o pag-aakusa na komunista ang isang tao.


Dahil sa desisyong ‘yan ng SC ay dapat na talagang buwagin ang National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasi ang ahensyang ito ng pamahalaan ang madalas magsagawa ng red-tagging sa mga taong kanilang pinagtitripang akusahang komunista, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page