top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Onli in Da ‘Pinas na ang ginagamit na id, hindi plastik kundi papel

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 17, 2024


PABIDA LANG PALA NG LTO NA WALA NA SILANG IISYUNG PAPEL NA DRIVER’S LICENSE --Noong Dec. 16, 2023 ay ibinida ng Land Transportation Office (LTO) na pagpasok daw ng year 2024 ay pulos plastic ID driver’s license na raw ang iisyu nila sa mga kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho, na kesyo wala na raw silang iisyung lisensya na gawa sa papel, pero dahil hindi naman ito natupad, kaya kamakalawa ay inanunsyo ng LTO na pansamantala ay balik sila sa pag-iisyu ng lisensyang papel dahil daw ‘yung 4 milyong plastic ID na donasyon sa kanilang tanggapan ay hindi pa nila maipamigay kasi wala pa raw approval ang Solicitor General (SolGen) kung dapat na itong ipamigay.


Ibig sabihin n’yan, ay pabida lang pala ng LTO ang statement nila noon na wala na silang iisyung lisensyang papel pagpasok ng year 2024, mga pwe!


◘◘◘


MAS PRAYORIDAD NG PRESIDENTE ANG KANYANG CONFI FUND AT MAS PRAYORIDAD NG MGA SEN. AT CONG. ANG KANILANG PORK BARREL KAYSA PLASTIC ID DRIVER’S LICENSE --Napakaimportante sa mamamayan ang mga plastic ID, lalo na ang drivers license kaya’t dapat kabilang ito sa pinaglalaanan ng pondo ng pamahalaan para hindi na umaasa sa mga magdu-donate ng plastic ID na lisensya.


Ang masaklap kasi, mas pinaprayoridad ng Presidente na magkaroon ng nakakalulang P4.5 billion confidential fund at pinaprayoridad ng mga senador at kongresista na sila ay magkaroon ng pork barrel projects kaysa maglaan ng pondong pambili ng mga plastic driver’s license ID, tsk!


◘◘◘


HINDI LANG DRIVER’S LICENSE ID ANG GAWA SA PAPEL, PATI NATIONAL ID SA ‘PINAS GAWA RIN SA PAPEL -- Hindi lang driver’s license na gawa sa papel ang iniisyu ng Marcos administration sa kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho, kasi gawa rin sa papel ang ID na ibinibigay ng pamahalaan sa mga kumukuha ng national ID.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ang iniisyung ID sa mamamayan ay mga gawa sa papel, buset!


◘◘◘


SABI NG PRESIDENTE WALA NA RAW NPA, PERO SABI NG AFP MERON PANG KONTI -- Matapos ibida ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na wala na raw New People’s Army (NPA) sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner, Jr. na kaunti na lang daw ang mga komunistang NPA, nasa 1,500 na lang daw ang mga miyembro nito sa buong bansa.


Kung ganu’n, fake news pala ang sinabi ni P-BBM na wala ng NPA, kasi mismong ang AFP chief ang nagsabi, meron pa, kaya nga lang daw, kaunti na lang, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page