top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

One-time big-time operation kuno… Nagpupustahan sa bilyar at nagto-tongits lang ang nahuli ng PNP

BULGAR
Sep 23, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 23, 2022


MATAPOS ANG ATAKE NI SEN. DELA ROSA NA LUMAGANAP ANG ILEGAL NA DROGA AT KIDNAPPING, NAGPASIKLAB ANG PNP, KAYA LANG ANG HINULI AY BILYARISTA AT NAGTO-TONG-ITS—Naturete ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa banat sa kanila ni former PNP chief, Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na masyadong pabaya sa tungkulin ang mga pulis ngayon, kaya namamayagpag na naman ang mga drug syndicate at bukod d'yan, talamak din daw ang kidnapping.


Dahil sa atake ni Sen. Dela Rosa, nagpasiklab ang PNP, kaya lang ay sablay kasi imbes na mga drug lords at kidnapper ang dakpin, ang pinaghuhuli sa inilunsad nilang "Oplan One-Time Big-time operations" ay ang mga bilyarista at nagto-tong-its.


◘◘◘


AKALA NG PUBLIKO, ANG ONE-TIME BIG-TIME NG PNP ANG PAGLANSAG SA ILEGAL NA DROGA AT KIDNAPPING, PERO PANG-BILYARISTA AT TONG-ITS LANG PALA—Akala ng publiko, ang "Oplan One-Time Big-time operations" ng PNP ay tungkol sa pagsugpo nila sa mga sangkot sa ilegal na droga at kidnapping, pero ang pokus pala ng kapulisan ay panghuhuli ng mga nagsusugal.


Ang masaklap, hindi pala ito pang-big-time kasi ang hinuhuli lang ay small-time na nagpupustahan sa mga bilyaran at magkakapitbahay na naglilibang sa barya-baryang taya sa tong-its.


◘◘◘


SA ONE-TIME BIG-TIME OPERATIONS NG PNP, DAPAT BIG-TIME ANG PINAGHUHULI—Tutal, pangsugalan lang pala ang "Oplan One Time Bigtime operations" ng PNP, sana ang hulihin nila ay 'yung mga bigtime gambling lords, tulad nina "Boy Abang" at "Lorna" (bookies sa Maynila); "Mario Bokbok" (lotteng at sakla sa Malabon) at ang mga may pa-"Perya ng Bayan"-con jueteng na sina "Mat," "Fajardo" at "Chito"


sa Pangasinan; "John Yap," "Manalang" at "Renen" sa Cavite at Rizal at ang may mga pa-STL-con jueteng sa Laguna na sina "Ibora," "Toce" at "Alvarez" at sa Batangas naman ay sina "Reyes" at "Biskotso" at "Patrick" na may pa-mini-casino sa Baguio City.


◘◘◘


POLICE OFFICIAL NA ALYAS SIR MON, DAPAT IPADAKMA NI GEN. AZURIN SA PNP-IMEG—Isang police official na kilala sa alyas na Sir Mon daw ang nagpapakolekta ng "tongpats" sa mga ilegalista sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).


Ang dapat gawin ng police official ay ipahuli ang mga gambling lords na nanraraket sa publiko, pero ang masaklap, siya pa ang tumatayong protektor sa mga ilegalista kapalit ng "tongpats."


Kung nais ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na ipahuli si "Sir Mon" ay madali lang 'yan, utusan lang niya ang PNP-Internal Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na mag-monitor sa CALABARZON area ay matitimbog na nila ang police official na ito na nagpapakolekta ng "tongpats" sa mga lalawigang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page