One-on-one interview, inaabangan… VICE, IPINAGSIGAWANG NANONOOD KAY JESSICA SOHO
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 20, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin & km_jessica_sojo
Todo-suporta si Unkabogable Star Vice Ganda sa sagot ng It’s Showtime (IS) contestant na si Jelo matapos nitong pangalanan ang broadcast journalist na si Jessica Soho bilang kanyang pinaka-idol sa segment na Laro, Laro, Pick.
Sa panayam, tinanong ni Vice si Jelo, “Sino ang pinaka-idol mo na broadcaster o journalist?”
Agad namang sumagot si Jelo, “Si Ma’am Jessica Soho po.”
Nagpahayag ng pagsang-ayon si Vice at sinabing, “Yes! We love Jessica Soho. She’s very good.”
Ipinaliwanag ni Jelo kung bakit niya hinahangaan ang beteranang mamamahayag.
“Lagi po s’yang uso. Uso si Ma’am Jessica,” aniya.
Sumang-ayon muli si Vice at sinabi, “Ah, uso. Nakakasabay sa panahon, ‘di ba? We all watch KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho). Right, very good. Malay mo, balang-araw…”
Huwooow! Ayan na, may paramdam na si Vice kay Ma’m Jessica. Kelan nga kaya matutuloy ang one-on-one interview nila matapos na maging controversial noon ang joke ni Vice sa respetadong Kapuso broadcaster?
Ang masasabi lang ni yours truly... i-KMJS na ‘yan!
‘Yun na!
PATOK ngayon ang mga intimate wedding sa mga celebrities. Kamakailan lamang ay ikinasal ang aktres na si Bea Alonzo sa negosyanteng si Vincent Co. Sinundan naman ito ng pag-iisang-dibdib ng dating aktor na si Joshua Dionisio at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Ally Yu.
Sa isang social media post, ibinahagi ng TV host na si Tini Balanon ang ilang larawan mula sa kasal nina Joshua at Ally. Kalakip nito ang taos-pusong mensahe para sa bagong kasal.
Aniya, “Our brother just got married. Seeing you begin this new chapter fills our hearts with so much joy. ‘Di namin ma-explain ‘yung nararamdaman namin nu’ng sabihin mo na ikakasal ka na.
“We are so happy for you, broski, and we wish you and Ate Ally a lifetime of love, laughter, and a home filled with peace and God’s blessings. Mahal namin kayo.”
Si Joshua Dionisio ay dating ka-love team ni Barbie Forteza. Nang mawala si Joshua sa showbiz, namayagpag si Barbie bilang solo artist.
Kung si Joshua ay ikinasal na, hanggang ngayon ay single pa rin si Barbie.
Anyway, congratulations kina Joshua at Ally! Wishing you both a lifetime of love and happiness.
USAPANG love life ang naging paksa sa online podcast ng broadcast journalist na si Susan Enriquez na Kay Susan Tayo! (KST!) sa YouTube (YT) kung saan naging guest ang ‘Lord of Scents’ na si Joel Cruz.
Sa panayam, diretsahang tinanong ni Susan si Joel tungkol sa estado ng kanyang love life.
“Punta naman tayo sa iyong love life. Kumusta ba ang love life mo ngayon? May karelasyon ka ba? Artista ba ‘to? Ano’ng mensahe mo sa kanila? Alam naman nilang sila ‘yun,” tanong ni Susan.
Nagpasalamat naman si Joel sa mga naging alaala nila.
Aniya, “Well, thank you so much for that moment na nangyari sa atin before. S’yempre, na-enjoy ko naman ‘yun at sana, na-enjoy mo rin. ‘Di naman siguro one-sided lang ‘yun.
“‘Di rin naman s’ya long relationship na umabot ng maraming taon. Ilang buwan lang, pero na-enjoy ko ang mga moments na nakasama ko s’ya.”
Nausisa rin ni Susan kung naniniwala ba si Joel na minahal siya ng dalawang dating karelasyon at hindi lang ang kanyang kayamanan ang habol.
“Tingin mo ba, minahal ka nitong dalawang ‘to? ‘Di naman habol ang yaman mo?” tanong ng broadcaster.
Aminado si Joel na posible ring nakaimpluwensiya ang kanyang estado sa buhay, ngunit hindi niya naramdamang pinagsamantalahan siya.
Sey niya, “Siguro, nandu’n na rin ‘yun. S’yempre, baka may habol din. Pero ‘di ko alam kung love ba ‘yun o baka nag-care din naman s’ya somehow. Ang maganda sa kanila, ‘di naman sila nag-take advantage. ‘Di sila ‘yung tipong sasabihin na, ‘Bilhan mo ako ng kotse’ o ‘Bilhan mo ako ng bahay.’ Simpleng-simple lang talaga.”
Nang tanungin kung ano ang pinakamahal na naibigay niya sa isa sa mga ito, sinabi ni Joel, “Cellphone lang o kaya mga gamit sa bahay.”
Sinundan pa ito ni Susan ng tanong kung may pagkakataon bang nanghiram ng pera ang kanyang mga dating karelasyon.
“Walang utang?” tanong ni Susan.
“Ay, wala,” tugon ni Joel.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Joel na wala siyang karelasyon at mas nakatuon siya sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.
“Love life, wala. Takot din ako sa love life kasi baka ‘di rin ako maintindihan ng mga anak ko. Kaya I’ll try my best na maging mabuting ama sa kanila,” ani Joel.
Sa totoo lang, in fairness kay Sir Joel, isa siya sa mga nakilala kong tunay na mabuti at mapagmahal na ama.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments