top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Omicron variant, mas kayang labanan ‘pag may booster shot

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 07, 2021



Habang patuloy ang national vaccination program, hinikayat ng vaccine expert ang publiko na magpa-booster shot kontra COVID-19 dahil na rin sa banta ng Omicron variant.


Paliwanag ni Dr. Nina Gloriani, chairperson ng Department of Science and Technology vaccine expert panel, nakikita nilang malaki ang tsansang kumalat ang Omicron variant sa mga lugar na may mababang vaccination rate.


Gayunman, sinabi ng World Health Organization (WHO) na posible pa ring tumalab ang mga nauna nang nagawang bakuna, gayung wala pang kompletong ebidensiya sa epekto ng Omicron variant sa bansa. Dagdag pa WHO, dahil wala pang tinatamaan ng Omicron variant sa bansa, nangangahulugan ito na nakapagbibigay-proteksiyon ang bakuna.


Base sa datos, lagpas 420,000 na ang nakatanggap ng booster shots kontra COVID-19, habang nagsimula na rin noong nakaraang linggo ang pagbabakuna ng booster shot sa mga edad 18 pataas.


Nakita naman natin ang epekto ng bakuna — patuloy ang pagbaba ng naitatalang daily COVID-19 cases at mas maluwag na ang mga pagamutan, kaya mas natututukan na ang non-COVID patients sa maraming ospital.


Patunay lamang ito na may kakayahang magbigay-proteksiyon laban sa malalang epekto ng COVID-19 ang mga bakuna, anuman ang brand nito.


Kaya tulad ng mga eksperto, hinihikayat natin ang publiko na magpabakuna kung pinapayagan na kayong magpa-booster shot.


‘Ika nga, ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi lamang para sa sariling proteksiyon kundi para sa ikabubuti ng nakararami.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page