Ombudsman gustong magkaroon ng sariling law enforcement unit

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: Office of the Ombudsman
Iminungkahi ng Office of the Ombudsman sa Senado ang pagbuo ng sarili nitong enforcement service para mabawasan ang pagdepende nito sa PNP, NBI at AFP.
Ayon kay Assistant Ombudsman PMGen. Eliseo Cruz, mas magiging mabilis ang pag-aresto at pagsasagawa ng entrapment operations laban sa mga tiwaling opisyal kung magkakaroon sila ng sariling law enforcement powers.
Sa ngayon, umaasa ang Ombudsman sa ibang ahensya para sa mga operasyon, kabilang ang seguridad ng kanilang mga imbestigador at mga testigo.
Sinabi ng Ombudsman na kailangan ng 100 bagong posisyon para sa bagong enforcement service sa iba’t ibang tanggapan nito sa bansa.





Comments