top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Omaha ng U.S. pinasiklaban ang Cebu sa 3x3 World tour

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 3, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 3, 2022



Cebu City – Nabigo ang mga bayani ng Cebu Chooks at kinapos laban sa Omaha 4Ball ng Estados Unidos, 21-14, sa 2022 FIBA 3x3 World Tour Cebu Masters Sabado ng gabi sa SM Seaside City. Nagtapos ang numero unong koponang Pinoy sa ika-10 puwesto sa 14 koponan sa unang pagkakataon na ginanap ang pinakamataas na antas ng 3x3 sa Queen City of the South.


Hindi nasustentuhan ng Cebu ang kanilang magandang 4-2 simula sa pinagsamang puwersa nina Mark Jayven Tallo, Mike Harry Nzeusseu at Brandon Ramirez. Mula roon ay bumanat ang mga Amerikano salamat kay Malik Hluchoweckyj at Trey Bardsley na kumana ng malayong two-points upang tuluyang maagaw at hindi na bitawan ang kalamangan, 8-6.


Namuno sa Omaha si Hluchoweckyj na may siyam na puntos. Tanging si Nzeusseu ang bwenas sa Cebu na may walong puntos habang tig-tatlong puntos.


Kinailangan talaga ng Cebu ang tagumpay matapos mahulog sa top seed Antwerp ng Belgium sa una nilang laro, 16-11. Ang talo sa Belgians ay kasunod ng unang dagok para sa Pilipinas kung saan hindi nakaahon ang Manila Chooks mula sa qualifying round kontra Doha QSC ng Qatar at Ludhiana INBL ng India upang magtapos sa ika-13 pwesto.


Patuloy ang laban para sa mga Pinoy 3x3 superstar sa pagsabak ng Cebu sa Tainan City Challenger sa Chinese-Taipei ngayong Oktubre 22 at 23. Ang mga magwawagi sa nasabing torneo ay makakuha ng tiket sa Hong Kong Masters sa Nobyembre 26 at 27.


Samantala, pinarangalan ng Chooks To Go Pilipinas 3x3 si playing coach Chico Lanete na inanunsiyo ang kanyang pormal na pag-retiro bilang manlalaro at tututok na sa pagiging coach. Ginawaran ang 43 anyos na si Lanete ng nakakwadra niyang uniporme na sinaksihan ng kanyang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page