Olympic Tanker Sanchez pasok sa semis ng 100-M Fresstyle
- BULGAR

- Jul 30, 2024
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | July 30, 2024

Positibo ang simula ng paglalangoy ni Kayla Sanchez para sa Pilipinas at pasok siya sa semifinals ng Women’s 100-Meter Freestyle Paris 2024 Swimming Martes ng gabi.
Pasok si Sanchez bilang ika-10 sa 16 kalahok na tutuloy sa isa sa pinakaabangang karera ng Olympics. Nabunot sa pang-apat at huling karera, nagtapos ng ika-apat si Sanchez sa 53.67 segundo.
Nanguna ang Tokyo 2020 silver Sioban Bernadette Haughey ng Hong Kong (53.02), Marrit Steenbergen ng Netherlands (53.22) at Torri Huske ng Estados Unidos (53.53). Ang unang 16 na pinakamabilis sa kabuuang 29 kalahok ang tutuloy sa semifinals.
Lumabas na numero uno si Sarah Sjoestroem ng Sweden sa 52.99 at siya rin ang may hawak ng World Record na 51.71 na naabot niya noong 2017. Pangalawa si Haughey at pangatlo si Yang Junxuan ng Tsina (53.05).
Ang iba pang pumasok ay sina Steenbergen, Mollie O’Callaghan ng Australia (53.27) at kanyang kakampi Jack Shayna (53.40), Huske, Gretchen Walsh ng Amerika (53.54), Beryl Gastaldello ng Pransiya (53.65), Anna Hopkin ng Gran Britanya (53.57), Marie Wattel ng Pransiya (53.70), Wu Qingfeng ng Tsina (54.03), Michelle Coleman ng Sweden (54.10), Neza Klancar ng Slovenia (54.122) at Margaret MacNeil ng Canada (54.16).








Comments