top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Humanda sa mga obstacles ng TPSK Fire Run sa Grandstand

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 23, 2026



HANDA na ang Team BULGAR sa paglarga bukas sa Takbo Para sa Kalikasan Fire Run na idaraos sa Quirino Grandstand, Manila.

Photo: Handa na ang Team BULGAR sa paglarga bukas sa Takbo Para sa Kalikasan Fire Run na idaraos sa Quirino Grandstand, Manila.



Bagong hamon ang hatid ng Fire Run, ang pambungad na yugto ng seryeng Takbo Para Sa Kalikasan 2026 ngayong Mayo 24 sa Quirino Grandstand. Naghihintay sa mga kalahok ang sari-saring obstacle na inilatag sa daan.


Maliban sa pagtakbo ay maghandang tumalon at gumulong sa mga karera sa 16, 10 at limang kilometro. Gagamitin ang kahabaan ng Roxas Boulevard at iikot sa CCP at Senado bago bumalik ng Luneta.


Kailangang dumating sa lugar bago mag-3 a.m. at lalarga ang 16 kilometro sa 4 a.m. Ang iba pang oras ay 4:30 a.m. sa 10km at 5:30 sa 5km. 


Muling hinihimok ang lahat na magdala ng sariling lalagyan ng inumin upang mabawasan ang kalat. May kasamang botelya sa race kit maliban sa damit at numero.

Para sa mga hindi makakarating, may virtual race at tumakbo kahit saan sa Mayo 23 at 24. Ipadala ang katibayan ng oras at distansiya upang matanggap ang parehong medalya at t-shirt.


Ang Fire Run ay susundan ng Water Run sa Hulyo 26. Gaganapin ang Air Run sa Setyembre 20 at Earth Run sa Nobyembre 15. Opisyal na media partner sa serye ang BULGAR. Abangan ang mga sorpresa sa araw ng karera.         

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page