Olympic Gold Stamp nina Diaz, Paalam at Petecio, ilulunsad
ni MC - @Sports | September 19, 2021

Ilalabas na ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang kanilang unang Olympic Gold Stamp para kay 2020 Tokyo Olympics gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz.
Maglulunsad din ang PHLPost ng stamps para kina o Olympic boxing champion silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio maging si Bronze medalist Eumir Marcial.
Mahalagang pagkilala ang gagawing ito ng PHLPost sa mga Olympic medalist athletes sa mga stamp para sa tagumpay na binigay nila sa bansa at sambayanang Pilipino na walang katumbas na halaga.
Dadaluhan naman ito nina PHLPost Head, Postmaster General Norman Fulgencio, Presidential Assistant for the Visayas, Secretary Michael Lloyd Dino, at Olympic medalists. Idaraos naman ito sa Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Samantala, tahasang binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa pagbasura ng kanilang sumbong na sexual harrasment kontra sa dati nilang coach na si Larry Nassar.
Ayon sa isinagawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee, sinabi ng dalawang atleta na pinabayaan ng mga otoridad na patuloy na palayain ang suspek para marami pang maabusong mga kabataan.
Reklamo pa ng mga gymnast na hindi pinansin at pinagwalang bahala ng FBI ang kanilang sumbong. Base sa report, kasama nilang nagreklamo ang kapwa nila gymnast na sina Maggie Nichols at Aly Raisman. Si Nassar na dating USA Gymnast team doctor ay kasalukuyang nakakulong kung saan unang ibinunyag ang kanyang pang-aabuso noong pang Hulyo 2015.





Comments