Olympian Marcial, babanat vs. matangkad na Pichardo
ni Gerard Arce - @Sports | October 5, 2022

Susuntok sa kanyang ikatlong professional bout si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial laban sa matangkad na Amerikanong si Steven Pichardo sa six-round middleweight match sa Oktubre 10 sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.
Mapapabilang ang laban ng 26-anyos na four-time Southeast Asian Games gold medalist bilang undercard match sa rematch nina dating Filipino champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at Fernando Martinez ng Argentina para sa 12-round IBF super flyweight title.
Naging matagumpay sa kanyang dalawang pro-bout si Marcial kina Andrew Whitfield nung Dec 16, 2020 sa bisa ng 4th round unanimous decision sa Shrine Exposition Center sa Los Angeles, na sinundan ng come-from-behind panalo laban kay Isiah Hart na natakasan ang tatlong knockdowns sa huling dalawang rounds bago nito mapasuko sa 4th round TKO sa Virgins Hotels sa Las Vegas para sa 2-0 kartada.
Galing Naman sa 8-round unanimous decision na pagkabigo ang 26-anyos na mula sa Gardena, California na si Pichardo na may taas na 6'1 kontra kay Shady Gamhour na paniguradong pili na magbabawi. Bago ang naturang pagkabigo ay mayroon itong 7 winning streak na sinundan ng split draw laban kay Dewayne Williams noong Disyembre 11, 2021.





Comments