Olsim, naalpasan ang bangis ni Mezabarba
ni GA - @Sports | June 5, 2022

Natakasan ni Filipino Team Lakay member Jenelyn Olsim ang isang matinding laban kontra kay Julie Mezabarba ng Brazil matapos paburan ng mga hurado nitong Biyernes ng gabi sa ONE 158 sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.
Naibigay sa 25-anyos na 31st Southeast Asian Games bronze medalist ang split decision na pagpabor matapos matakasan ang mga takedowns at banat ng Brazilian kickboxer.
Ilang beses nagtangkang makuha ng guillotine choke at magandang ground game si Mezabarba sa unang round pa lang, subalit bumawi si Olsim sa mga sumunod na tagpo upang makabalik sa laban.
Nagawa pang makapagbanat ng ilang mga suntok kay Olsim, subalit patuloy na lumalaban ang Pinay fighter na nakuha pang makasungkit ng takedowns sa sumunod na dalawang round.
Dahil sa nakuhang panalo ay nakaahon si Olsim sa huling pagkatalo laban kay Ritu Phogar ng India sa ONE Atomweight Grand Prix, habang tinapos ni Olsim ang 6-fight winning streak ni Mezabarba.
Umangat ang record ni Olsim sa 6-3 kartada sa kanyang professional fight, habang bumagsak sa 9-4 marka.





Comments