top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Old Timer at Munich markado sa Condition Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 27, 2022


Masusubukan ang tikas ng magka-kuwadrang sina Old Timer at Munich pagsalang sa Condition Race (22) na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


May distansyang 1,300 meter race, posibleng magbigay ng magandang laban kina Old Timer at Munich ay sina Kapangyarihan at Aim Thirty One.


Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Pilya, Inter State at Flashy.


Pitong races ang pakakawalan ngayong araw kaya pihadong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Samantala, inaabangan ng mga karerista ang bakbakan sa 2022 PHILRACOM "Classic Cup Race Division II" na ilalarga sa Marso 20 sa nasabing lugar.


Nominado ang anim na bigating kabayo sa distansyang 1,800 meter race at kabilang sina Patong Patong at Spandau Ballet.


Sasakyan ni Pabs Cabalejo si Spandau Ballet habang si jockey RC Baldonido ang rerenda kay Patong Patong, makakatagisan nila ng bilis ang ibang nagdeklara ng pagsali na sina Batang Cabrera, Flattering You, Magtotobetsky at Tocque Bell.


Ayon sa mga karerista na nagkomento sa social media, posibleng magbigay ng laban sina Magtotobetsky at Tocque Bell na gagabayan ng dalawang dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardees na sina Jessie B. Guce at Jonathan B. Hernandez ayon sa pagkakasunod.


Nakalaan ang P750,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan hahamigin ng mananalo ang P450,000.


Makokopo ng second placer ang P168,750 habang mapupunta sa 3rd at 4th ang tig P93,750 at P37,500.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Crown In My Love (10), Juliana's Gold (8), Iron Hook (7)

Race 2. Old Timer/Munich (2/2A), Pilya (1)

Race 3. Hello Junior (7), Izzy Does It (2)

Race 4. Shadow Of The Sun (2), Coal Digger (1)

Race 5. Bonifacio (2), Red Hawk (3), Aida's Favorite (1)

Race 6. Gensan Special/Expensive (5/5A), One More One More (3), Konzeelanz (7)

Race 7. Striker's Symbol (7), Handsome Jhon (9), Lady Goldie (3)

Patok - Old Timer/Munich

Pandehado - Bonifacio












Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page