Oktubre Katorse, magilas sa PHILRACOM Race
- BULGAR
- Mar 21, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 21, 2022
Ipinakita ni Oktubre Katorse ang kanyang husay sa karerahan matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Dinala ni Old Timer ang bandera sa kaagahan ng laban, pero papalapit sa far turn ay lumalapit na sina Tugatog at Oktubre Katorse sa sinakyan ni jockey Dan Camanero.
Pagdating ng rektahan ay bakbakan pa rin sa unahan sina Oktubra Katorse, Tugatog at Old Timer.
Pero nangibabaw ang tikas ni Oktubre Katorse tinawid nito ang meta sa irenihistrong 1:19.8 sa 1,300 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.
"Napakahusay ni Oktubre Katorse, ang ganda ng laban, napasigaw ako noong rumeremate si Oktubre katorse," saad ni Ernie Velerda, veteran karerista.
Hinamig ni horse owner Bonapart Atianzar ang P50,000 na premyo sa pagkakapanalo ni Oktubre Katorse habang napunta ang P30,000 sa pumangalawang si Old Timer.
Tumawid na tersero si Tugatog na komopo ng P20,000 habang pang-apat si Little Ms. Saturday.
Si Oktubre Katorse ay anak nina Lydgate (USA) at Almari (Australia) habang ang trainer niya ay si RI Mendoza.





Comments