Oktubre 31, idineklarang special non-working holiday ni P-BBM
ni Lolet Abania | October 18, 2022

Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Oktubre 31, 2022, bilang isang special non-working holiday.
Ito ang inanunsiyo ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang press briefing ngayong Martes.
“The President has signed the Proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday, para na rin po marami tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin po ang ating local tourism,” pahayag ni Garafil.
Ang Oktubre 31 ay natapat ng Lunes, habang ang Nobyembre 1 na All Saints’ Day ay isa ring special non-working holiday. Gayunman, ang Nobyembre 2 na All Souls’ Day ay isang special working day.





Comments