top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Oks na oks ‘pag naka-makeup na pero… KRIS, DUSA SA SHOOTING, ‘DI MAKATAYO NANG MATAGAL

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 17, 2026



TEKA NGA - KRIS, DUSA SA SHOOTING, ‘DI MAKATAYO NANG MATAGAL_IG _krissquino

Photo: IG _krissquino



Dahil sa malalaking endorsements niya, pinipilit ni Kris Aquino na bumangon, magbihis at magpa-makeup. Magaganda rin ang mga gowns na inihanda para sa kanya.


Mahuhusay ang mga kinuhang makeup artists at hairstylists na mag-aayos sa kanya kaya hindi halata na may iniinda siyang sakit. 


Maganda ang rehistro niya sa kamera at maaliwalas ang kanyang awra.

Pero para sa mga taong nakasaksi sa behind-the-scenes ng kanyang endorsement, awang-awa sila kay Kristeta. Pilit lang niyang kinakaya ang tumayo, magbihis at magpa-makeup.


Mabuti na lang, todo-alalay sa kanya ang anak niyang si Bimby, ganoon din ang kanyang mga staff. 


Kailangan siyang bantayan at alalayan dahil hindi niya kaya ang matagal na pagtayo.

Sobrang professional sa trabaho si Kris. Kapag tumanggap siya ng commitment, sinisigurado niyang matatapos niya ito nang maayos.





Jackpot! WILL ASHLEY, MAY BAGONG SHOW NA, KASAMA PA SI MIKA



MAGANDA ang landas na tinatahak ng Sparkle artist na si Will Ashley. Bukod sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA Network, tumanggap na rin siya ng award bilang pagkilala sa husay niyang umarte. 


Bibihira ang mga baguhang sinusuwerte sa showbiz tulad ni Will. Kinakitaan siya ng talento at dedikasyon sa kanyang craft. Desidido siyang abutin ang kanyang mga pangarap.


Well, ikinukumpara si Will kay Joshua Garcia na nagbibida na ngayon at maraming endorsements. Kung magpapatuloy ang aktor sa kanyang magandang work ethic at pagiging professional, tiyak na sisikat din siya nang husto tulad ni Joshua.


Nagbibida na ngayon si Will sa bagong seryeng Delivery Boi, kung saan kasama niya ang ilang veteran stars tulad nina Meryll Soriano at Keempee de Leon. 

Ang kanyang leading lady ay si Mika Salamanca na pabor sa aktor dahil madalas silang magkakasama. 


Samantala, mukhang seryoso si Will kay Mika dahil matagal na pala niyang nililigawan ang aktres.





MAY matututunan ang ilang kabataan sa episode na ipapalabas sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) ngayong Sabado.


Sa kabila ng maginhawang buhay ng mga anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi), naisip ng magkapatid na magtayo ng sariling negosyo upang kumita ng sarili nilang pera.


At dahil nauuso ngayon ang pickleball, ito ang itatayo nila at ipaparenta.

Well, manghihiram muna sila ng puhunan sa kanilang tatay na si Pepito. Very supportive naman ito.


Kaya naman, mapapa-“sana all!” na lang ang mga netizens. Sana ay katulad nina Chito at Clarissa ang mga kabataan ngayon na madiskarte sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page