top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Oks na i-extend ang deadline sa pagbabayad ng Real Property Tax at Business Permit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
2 min read

Updated: Jan 14, 2022

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 13, 2021



Sa gitna ng muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, nananawagan tayo sa mga local government unit sa mga lugar na nakararanas ng surge na i-extend ang deadline sa pagbayad ng real property tax at business permit.


Ang extension ay makatutulong sa pag-iwas sa dagsa ng taong nais magbayad ng kanilang RPT at business permit.


Kasama sa panawagan nating deadline extension ang pag-apela na huwag din sanang patawan ng penalty ang mga hindi pa makapagbayad.


☻☻☻


Mainam din na isulong ng mga LGUs ang digital modes of payment nang makapagbayad ang mga tao nang hindi lumalabas ng bahay.


Para naman doon sa mga kailangang physically present para magpasa at pumirma ng mga papeles, iminumungkahi rin natin na pansamantalang tanggapin ang mga digital o electronic copies ng mga dokumentong.


Mas convenient ang ganitong sistema para sa mga kababayan natin at makatutulong para maiwasan ang mahabang mga pila or pagtitipon, lalo na sa pagbabayad ng mga permits at pagsa-submit ng mga dokumento.


☻☻☻


Umaapela rin tayo sa ating mga utility companies sa mga high-risk areas na suspendihin muna ang pag-disconnect ng serbisyo sa mga hindi pa nakakapagbayad.


Kaunting konsiderasyon na rin dahil pami-pamilya na ngayon ang mga kaso ng infections.


Sa panahong ito, hindi madaling desisyon ang lumabas ng bahay, lalo pa kung may mga kasamang bata at nakatatanda.


Kaya nananawagan din tayo sa ating mga utility companies na ‘wag muna magputol habang tumataas na naman ang bilang ng mga positibo sa COVID-19.


☻☻☻


Gawin sana natin ang mga bagay na makapagdudulot ng ginhawa at tulong sa ating mga kababayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page