Oks lang sa BF ng aktres na si RK… ZAIJIAN, SOBRANG KABA NANG IKAMA SI JANE
- BULGAR

- May 18, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 18, 2025
Photo: Zaijian at Jane via Bulgar - Presscon
Aminado ang dating child actor na si Zaijian Jaranilla na kinabahan din siya na gawin ang mga steamy love scenes nila ni Jane Oineza sa digital series na Si Sol at Si Luna (SSASL) dahil first time niya nga itong ginawa at hindi niya alam kung paano ito tatanggapin ng mga tao.
Ipinakita ang trailer ng nasabing series last Friday sa mediacon na ginanap sa World Trade Center at kabilang nga rito ang maiinit na eksena nina Zaijian at Jane.
Kasabay na rin ang paglabas ng trailer sa online na kaagad nag-trending dahil sa nasabing eksena ng dalawang bida.
Natuwa naman si Zaijian sa mga papuring natanggap kahit nga marami rin ang na-shock na ang dating child actor na kaibigan ni “Bro” sa 2009 ABS-CBN series na May Bukas Pa (MBP) ay nakikipag-love scene na.
Para naman kay Jane, pasabog talaga si Zaijian sa serye pero isa raw talaga ito sa mga mina-manifest niyang proyekto dahil matagal na rin niyang gustong makatrabaho ang aktor.
Dahil nga first time ni Zaijian ang gumawa ng ganu’ng eksena, natanong si Jane kung paano niya inalalayan ang aktor.
“Siyempre, teamwork ‘yun. It takes two to tango. So, kailangan sa eksena. Siyempre, kahit naman may nagawa akong ganu’n before, first time rin namin ‘yung gagawin na kami ang nasa eksena.
“So it’s always siyempre something new. You have to get to know siyempre your co-actor, ‘di ba, and what helps them,” sey ni Jane.
“Of course, nandu’n ‘yung alalay. Kasi siyempre, first time ni Zaijian. And nandu’n naman kami ni Direk Dolly (Dulu) as professionals. So, nabantayan naman ang eksena at saka, ‘yun nga, everything was so professional,” dagdag pa niya.
When asked kung good kisser ba si Zaijian, ang lakas ng tawa ni Jane.
“Naku, panoorin n’yo sa episode,” aniya.
Natanong naman si Zaijian kung nagpaalam pa ba siya sa boyfriend ni Jane na si RK Bagatsing sa love scene nila at ang aktres na ang sumagot.
“Kasi siyempre part ito ng trabaho natin. And ‘yun nga, parang professional din naman kami. So, kung ano ‘yung kailangan sa work, sa character, sa kuwento, siyempre, ‘yun ang work namin,” sey ni Jane.
Napanood naman daw ni RK ang trailer ng SSAL at nag-like ito.
Ang Si Sol at Si Luna ay kuwento ng 18-year-old film student na si Sol (Zaijian) at ng 30-year-old woman na si Luna (Jane), na ipinagluluksa naman ang pagpanaw ng kanyang fiancé (Vaughn Piczon).
Directed and written by Dolly Dulu, mapapanood ang first episode ng serye sa May 31, 7 PM sa Puregold Channel sa YouTube, with a new episode to be released every Saturday thereafter.






Comments