top of page
Search
  • BULGAR

Oks lang maghanapbuhay, pero ‘wag pasaway

ni Ryan Sison - @Boses | April 11, 2021


Sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble, kani-kanyang diskarte ang mamamayan para kahit paano ay kumita pa rin.


Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama o legal ang ginagawang paraan ng ilan para makapaghanapbuhay.


Tulad ng nitong kamakailan kung saan buking ang isang lalaking nagpanggap na bumbero para hindi maharang sa checkpoint at mai-deliver ang mga panindang facemask at face shield.


Base sa ulat, naharang ang lalaki sa checkpoint sa NLEX at planong pumasok sa Metro Manila. Nang tanungin, nagpakilala itong miyembro ng Bureau of Fire and Protection (BFP) at nagmo-monitor lang umano sa lugar habang sakay ng SUV at nakasuot ng t-shirt na may nakalagay na BFP. Ngunit nang magsagawa ng beripikasyon ang PNP-HPG sa ipinakitang ID, nabistong hindi tunay na miyembro ng BFP ang suspek.


Gayunman, nang buksan ang likod ng SUV, nakita ang kahon-kahon na facemasks at face shield na planong i-deliver ng suspek.


Samantala, umamin itong nagpanggap siyang tauhan ng BFP para madaling makapunta sa iba’t ibang lugar habang umiiral ang ECQ sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.


Marahil, marami sa atin ang gustong maipagpatuloy ang paghahanapbuhay sa kabila ng maigpit na quarantine restrictions, pero hindi ito dahilan para lumabag sa batas at manloko ng mga awtoridad.


Sa totoo lang, nakadidismaya na may kumakapit sa ganitong gawain, pero siguro nga, wala lang choice ang ilan sa atin.


Samantala, pakiusap sa ating mga kababayan, kung gusto ninyong kumita, gawin ito sa tamang paraan. Hindi ‘yung kailangan pang magsinungaling para lang kumita.


At panawagan sa mga kinauukulan, paigitingin ang mga checkpoint at tiyaking authorized persons outside residences (APOR) ang nasa labas.


Mahalagang hakbang ito upang makontrol ang paggalaw ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page