top of page

Oks daw sila ng ex ng BF ‘pag nagkikita… BARBIE: ‘DI AKO ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA RICHARD AT SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | February 5, 2026



BULGARY - BARBIE_ ‘DI AKO ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA RICHARD AT SARAH_FB Barbie Imperial

Photo: FB Barbie Imperial



Open na si Barbie Imperial na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Richard Gutierrez. 


Sa panayam ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na ang relasyon nila ng aktor ay nagsimula lamang nang maghiwalay si Richard at ang asawang si Sarah Lahbati.


Inamin ni Barbie na naiintindihan niya kung bakit nagagalit ang mga netizens sa kanya, pero sa kabila ng kontrobersiya ay nananatiling mabuti ang relasyon nila ni Sarah. 

Naging mabigat ang akusasyon mula sa mga kritiko na siya umano ang ‘third party’ sa hiwalayan nina Richard at Sarah.


Sa masinsinang pag-uusap, sinabi ni Ogie na maraming tao sa social media ang patuloy na nagsasabing siya ang ‘number two’ kahit hiwalay na ang dating celebrity couple noon pa man. 


Ani Barbie, “Opo, wala na po sila nu’n. ‘Di ko lang po sigurado, Tito, ‘yung exact month na naghiwalay sila. Pero ‘yung amin po ni Richard, nag-start nu’ng nagpunta po kami ng Tipsy Pig.”


Inamin ng aktres na ang karanasang ito ang isa sa pinakamahirap na hamon na kanyang hinarap sa buhay. 


“Feeling ko po, Tito, ‘yung pinakamalalang bashing sa akin ay ito po talaga, ‘yung relationship ko po with Chard. Dito po ‘yung medyo na-depress ako,” pakli ni Barbie.

Paliwanag niya, sinadya niyang manahimik upang maiwasan ang pagpapalala ng sitwasyon. 


“‘Di po ako makapagsalita noon kasi ayoko rin pong makakuha ng reaction from Sarah. Ayaw ko pong mag-trigger-an kami, kaya hinayaan ko na lang po ang panahon na makapag-forgive sila sa isa’t isa at gumaan ang loob ng mga taong involved,” esplika niya.


Ipinakita ni Barbie ang pagiging matured sa pagharap sa mga negatibong reaksiyon online. Binanggit niya na naiintindihan niya ang reaksiyon ng publiko dahil 11 yrs. nagsama sina Richard at Sarah. Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang katotohanan ay nasa pagitan niya at ng Diyos. 


“Kung ano man ‘yung rason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos na ‘di ako ‘yun,” pag-amin niya.


Nilinaw din niyang walang ‘bad blood’ sa pagitan nila ni Sarah Lahbati. Ibinahagi ni Barbie na nagkikita pa rin sila ni Sarah sa mga medical appointments at social events. “Si Sarah naman po, alam naman n’ya ‘yung rason, at ‘pag nagkikita kami sa Aivee at sa birthday ni Doc Aivee, nag-i-smile naman po kami sa isa’t isa. May respeto,” dagdag pa niya.

Well, ano naman kaya ang reaksiyon ng estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati tungkol sa naging pahayag ni Barbie Imperial?



BUHAY na naman ang pagsasabong ng mga fans ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at ng Kapuso aktres na si Heart Evangelista dahil in demand na naman ang fashion shows.


Sa Facebook (FB) ay may nag-post ng “Heart and Pia arrival at the Ashi Studio Couture Week.” 


So, kani-kanyang komento ang kanilang mga fans at sey nila… “Pareho silang pride ng bansa, but when it comes sa fashion, brain and art, I’ll go with Ms. Heart. Superb ang mga ideas at very smart.”


“Heart needs company to endorse her.”


“Heart Evangelista talaga for me ang nag-stand-out. Kahit walang effort, agaw-pansin. ‘Yung pagiging classy n’ya ‘di pilit.”


“‘Di kasi kailangang gawing kompetisyon ang bawat eksena. ‘Yung confidence at elegance ni Heart ay bunga ng years of experience sa high fashion.”

“Si Pia, ang gandang magdala ng damit na wearable, ‘di patung-patong. Elegante talaga.”


“Heart talaga ang fashion icon. Pia ang beauty queen. Both are number one in different fields.”


“True, long legs si Queen Pia, pero not proportion. Peace! ‘Wag pong magalit, ha? Kay Miss Heart, short but so sexy legs she has.”


“Idk (I don’t know), Pia always wears a very safe color palette, black, white, earth tones, while Heart is styled in a very creative way, particularly in color matching and layering. Anyways, I love them both.”


“Pia, model at matangkad, pero parehas, maganda, magkaibang atake lang.”

“Stop the toxic comparison for content and engagement. Team Heart Evangelista ako pero I don’t like women tearing another woman down. The world is big enough for the two of them. Let’s stop spreading hate and just support them.”

“Pia is a picture of a true model.”


“Si Heart, kahit sinasabi ng iba na bansot s’ya, talagang magaling magdala ng fashion.”


“Pinoy pride, both are my idol.”


“Proud moment na makita silang dalawa na nagre-represent ng Filipina beauty at confidence sa Paris.”


“Maging happy na lang tayo na may dalawang Pinay na nagre-represent sa fashion world. ‘Di sila dapat pag-awayin.”


Tama naman ang commenter sa kanyang sinabi, sina Pia at Heart ay parehong Pinoy pride pagdating sa larangan ng fashion world.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page