top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oil price hike non-stop, taas-pasahe nagbabadya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 21, 2023


May inaasahan na namang panibagong taas-presyo sa petrolyo.


Kaugnay nito, humirit na rin ang mga taxi operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling ikonsidera ang kanilang petisyon para sa P30 na pagtaas sa flagdown rate.


Ayon kay Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) president Bong Suntay, may pending motion for reconsideration ang samahan dahil hindi napagbigyan ang orihinal nilang petisyon.


Matatandaang nagbigay lamang ang LTFRB ng dagdag-P5 na nagpapahintulot sa mga taxi na maningil ng flagdown rate na P45 noong nakaraang taon. Gayunpaman, maraming taxi driver at operator ang nagpasyang hindi singilin ang inaprubahang mas mataas na pamasahe dahil walang meter recalibration.


Sa ngayon, isinusulong ng mga taxi operator ang minimum fare na P70, na anila’y makatwiran kung isasaalang-alang ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Nauunawaan natin ang hinaing ng mga taxi driver at iba pang drayber na namamasada.


Sa taas ng presyo ng gas, malalang trapik, hindi lang lugi, abonado pa. Ano na ang mangyayari?


Kaya apela sa mga awtoridad, bilis-bilisan ang pag-iisip ng solusyon. Kung kada linggo ay may oil price hike, yari ang kabuhayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page