top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Oil Machine, Q.C.All Stars at Kings, abangan sa Chairman's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 7, 2022



Aabangan ang maagang salpukan ng mga bigating DF Bulacan Republicans at La Union PAOwer sa tampok na laro ngayong Biyernes sa 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City simula 6 p.m. Tatlong iba pang bagong tatag na koponan ang magpapakilala sa patuloy na umuusbong na pro league.


Parehong galing sa magkaibang panalo ang Republicans at PAOwer sa unang araw ng torneo noong Oktubre 2 at mgg-uunahan na umakyat sa 2-0 panalo-talo. Tinatakasan ng host Bulacan ang bisitang Taguig Generals sa overtime, 107-104, habang dinurog ng La Union ang mga baguhan na Las Pinas Oil Machine, 130-111.


Sasandal muli ang Republicans kay Best Player Mark Kenneth Carongoy, Gab Capacio at ang laging maaasahang beterano na si Christian Necio. Kokontrahin ito nina Best Player Jap Pambid, Patrick Pascua, Erven Silverie at reserba Billy Ray Boado.


Matapos sumadsad sa unang laro, pagbawi ang nasa isip ngayon ng Oil Machine sa pagharap nila sa kapwa baguhan na Quezon City All-Stars sa unang laro ng 2 p.m. Susundan ito agad ng unang sabak ng Laguna Kings at Muntinlupa Constructicons sa 4 p.m.


Samantala, painit nang painit ang aksiyon sa 2022 NBL Youth Second Conference sa siyam na laro ngayong Linggo (Oktubre 9) sa Red Arc Events Center sa Balagtas, Bulacan simula 8 a.m. Tampok dito ang paghaharap ng parehong 4-0 na Don C Majesty Driving School Bruins at Cavite Ballers sa 6 p.m. upang matukoy kung sino ang magwawalis ng Grupo A ng Under-19 Division.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page