OFW, humirit ng bomb shelter
ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023

Hinimok ng isang OFW ang mga awtoridad na magtayo ng bomb shelter para sa mga Pilipino na nasa Israel, na nagdeklara ng digmaan laban sa Hamas matapos maglunsad ng sorpresang pag-atake ang Palestinian militant group mula sa Gaza.
"May mga sari-sarili namang bomb shelter dito. Pero yung mga halimbawa po walang trabaho na nakatambay dito o yung mga walang papel, undocumented, [wala silang matutuluyan]," ayon kay Trooper Mariano, isang Filipino caregiver na nagtatrabaho malapit sa Gaza.
May mga kapwa OFW din umanong nag-aalala para sa kanilang kaligtasan ngunit malabong makauwi sa Pilipinas sa ngayon.
"Nangangamba rin po kami sa safety namin kasi yung nangyari po is surprise attack ng mga Palestino, mga Hamas. Hindi po handa 'yung Israel, holiday po kasi noong umatake sila, eh" ani Mariano sa Teleradyo Serbisyo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa mga Filipino community leader upang ibigay ang kanilang mga pangangailangan, kabilang ang bomb shelter, ayon kay Department of Migrant Workers officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac.





Comments