top of page

OCA at 'Pinas ihahanda ang Cebu sa Asian Beach Games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 8, 2026



Olympic Council of Asia (OCA)

Photo: File / Olympic Council of Asia (OCA)



Nakipagpulong si Olympic Council of Asia (OCA) president Sheikh Joaan bin Hamad Al-Thani kay Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. upang iparating ang pahintulot sa hosting ng bansa sa Seventh Cebu Asian Beach Games (ABG) sa 2028 sa isinagawang courtesy call sa Malacañang.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisagawa ang mahalagang pagpupulong sa pagitan ng pinuno ng OCA at ng isang pangulo ng Pilipinas sa Palasyo, kasama sina Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission chairman Patrick “Pato” Gregorio.


“Sheik Al Thani discussed with the President [Marcos] the importance of sports cooperation on top of the support on the hosting of the ABG in 2028,” wika ni Tolentino, na matagumpay na tinanggap ang hosting ng bansa matapos iwinagayway ang bandila ng OCA sa closing ceremony noong nakaraang linggo.


Pagkakataon muli ng bansa na maging punong-abala sa isang event ng OCA na nagpapakita ng malawig at papataas na estado ng pampalakasan kasunod ng 3 gintong medalya na nakuha ng bansa sa huling dalawang Summer Olympic Games.


Naging makatotohanan ang pagpupulong matapos na iabot ni Sheik Al Thani, na siya ring presidente ng Qatar National Olympic Committee, ang bandila ng ABG bilang pagpapatunay ng hosting ng Pilipinas para maging punong-abala sa multi-sports games sa pagtatapos ng Sixth ABG sa Sanya, China.


Nakatakdang simulan ang hosting ng bansa mula Marso 7-16, 2028, kung saan opisyal na tatayong presidente at CEO ng Cebu ABG Organizing Committee, o CABGOC si Ramon “Tats” Suzara matapos italaga ng POC at PSC.


Sheik Al Thani also discussed with the President how to strengthen cooperation in sports development, including athlete training, institutional collaboration and opportunities for the Philippines to host future regional and international competitions,” pahayag ni Tolentino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page