Obyus sa comment ng mga judges… TEAM NI VICE, NANGANGAMOY-CHAMPION NA SA MAGPASIKAT
- BULGAR

- Oct 22, 2024
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 22, 2024
Photo: Team Vice Ryan, Karylle - It's Showtime
Hindi namin naabutan ang full performance nina Meme Vice Ganda, Karylle, Ryan Bang with SB19, Carlos Yulo, Awra and others sa Magpasikat week ng It’s Showtime (IS).
Pero kung pagbabasehan namin ang mga naging reaksiyon ng mga huradong sina Direk Rory Quintos, Alice Dixson, Donny Pangilinan, Gabbi Garcia at Sir FMG Freddie Garcia, parang champions na ang team nina Meme Vice.
May temang “hope” ang performance ng tropa na tinalakay nga ang bashing, ang isyu sa pamilyang hindi nagkakasundo, etc..
Matagal ding panahon ang inilaan ng mga performers para sa 15th anniversary nila at karamihan pa nga sa mga ito ay nakaranas ng pisikal na hirap, may naaksidente, at nag-sacrifice ng mga iskedyul nila para lang sa mga buwis-buhay nilang gagawin for the show.
Sa Sabado pa malalaman ang mga mananalo dahil hanggang Friday pa ang mga performances ng bawat grupo.
Abangan!
Sobrang tiwala sa sarili… WILLIE, STRATEGY LANG DAW NA WALANG PLANO AT PLATAPORMA SA PAGTAKBONG SENADOR

“STRATEGY lang ‘yan,” sagot sa amin ng ilang taong nakapalibot kay Willie Revillame sa naging sagot nito sa isang panayam.
Sa naturang sagot, tinuran kasi ni Willie na saka na niya paghahandaan ang kanyang mga programa at plataporma kapag nahalal na siya sa Senado.
Natural, marami ang nag-react at nagsabing ano ba'ng klaseng kandidato ang ni walang masabing programa o plataporma?
Baka raw nasosobrahan ang tiwala sa sarili nitong si Willie, kaya’t ‘yung seryosong isyu ng plataporma ay hindi nito masagot.
May mga nagsasabi pa ngang kapag daw hindi pumasok sa Top 10 ng mga surveys sa pagka-senador si Willie ay asahan na natin ang pag-urong o pag-back-out/pag-withdraw nito.
Pero ayon nga sa naging sagot sa amin ng mga naturang sources, “strategy lang” daw po ang mga ganu'ng ganapan o sagutan.
Hahahaha! Nakakaloka, kaya’t bahala na raw po tayong humusga.
Hindi sina Morissette at Klarisse… MARTIN, GARY, ZSA ZSA AT POPS, AGREE NA SI JONA ANG NEXT REGINE
VIRAL ang “hmmm at eeyyy” lyrics na ginamit ni Jona sa isang production number niya sa ASAP.
Talaga namang minsan pang pinatunayan ni Jona na siya talaga ang bagong reyna ng mga biritan at taglay niya ang pinaghalong Regine Velasquez at Lani Misalucha pagdating sa husay.
Sa isang video ay makikita pa ang mga kapwa niya magagaling na sina Klarisse de Guzman at Morissette Amon na nakanganga at hangang-hanga sa husay niya.
Uy, kahit sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez, ha, name ni Jona ang binabanggit sa kung sino raw ang susunod kina Regine and company.
Hmmm, kaya siguro ngumanga na lang sina Klarisse at Morissette?









Xoilac link trực tiếp bóng đá chất lượng cao. XoilacTV xem bóng đá Anh, World Cup, Euro, Ligue 1, La Liga, SEA Games miễn phí. Xôi Lạc TV có BLV tiếng Việt hấp dẫn, chuyên môn cao.
Để nâng cao tỷ lệ thắng cược, người chơi cần hiểu rõ quy luật thay đổi của kèo nhà cái và nắm bắt kịp thời biến động thị trường.
https://www.chordie.com/forum/profile.php?section=about&id=2272016
nohu90.studio là cổng game đổi thưởng hot, thu hút triệu người chơi với kho game đa dạng, giao diện mượt mà và tỷ lệ trả thưởng hấp dẫn. Nổ hũ, bài đổi thưởng, bắn cá 3D live... NOHU90 đều đáp ứng nhu cầu giải trí phong phú.
Kwin – cổng game bài đổi thưởng đỉnh cao, quy tụ tinh hoa giải trí với giao diện hiện đại, game đa dạng và liên tục nâng cấp hệ thống, mang đến trải nghiệm hấp dẫn và kịch tính cho người chơi. website: https://kwin.dev/
vb88 là sân chơi cá cược trực tuyến uy tín, thu hút đông đảo người chơi với các sản phẩm thể thao, mini game hấp dẫn. https://vb88.live/