Obyus na super in love, Kim… IG REELS NI XIAN, PURO ANG GF ANG LAMAN
- BULGAR

- Oct 16, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 16, 2024
Photo: Xian Lim at Iris Lee - Instagram
Comment ng netizens, in love raw talaga si Xian Lim kay Iris Lee dahil tampok ang girlfriend sa reels na puro si Iris ang makikita. Kung nahagip man ng camera si Xian, saglit lang, naka-focus ang reels sa GF.
Mula sa paghihintay ng train, sa pamamasyal, sa shopping sa parang market, puro si Iris. May kuha pang parang nasa bathtub si Iris na puno ng balls at pati pagwo-workout, meron siya.
Pati nga pagdya-jogging at simpleng paglalakad ni Iris, kinunan ni Xian at isinama sa reels. Ang background music pa ay may sinabing “I just want to be the one you love.”
Anyway, Captain Xian Lim na ang tawag kay Xian dahil nag-aaral sa pagka-pilot o baka nag-graduate na siya. Siguradong isa sa gugustuhin niyang isakay sa eroplano na siya ang pilot ay si Iris. Ang sweet noon!
SA muling pagge-guest ni Marian Rivera sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) para sa promo ng Balota, sinabi nito ang kanyang rason kung bakit tinanggap ang pelikula.
Sey ni Marian, “Maganda kasing manood ng isang pelikula na may matututunan ka, na paglabas mo ng sinehan, alam mo na ‘Ay, may impact ‘to sa akin,’ at gusto ko ‘tong gawin para sa sarili ko, para sa taumbayan, para sa pamilya ko.”
Iyon nga ang mangyayari kapag pinanood ang Balota na simula na ngayon ang nationwide showing. Mapapaisip ka at marami ang makaka-relate dahil ang mga eksena sa pelikula ni Director Kip Oebanda ay nasaksihan mo, nababasa mo, napapanood sa telebisyon at na-experience mo.
May konting problema lang, R-13 ang rating ng movie mula sa MTRCB, ang daming younger than 13 years old ang gusto itong mapanood. Paano raw ang mga bagets na gaya nila na gustong mapanood ang Balota?
Samantala, matutuwa nito ang mga influencers na sina Sassa Gurl at Esnyr dahil gusto pa silang makatrabaho ni Marian.
Sabi ni Marian, “Baka naman kaya natin serious na project, pero may twist.”
Magkakasama sila sa Balota at kuwento ni Marian, wala pa mang sinasabi ang dalawa, natawa na siya.
“Mga lukaret ‘yung dalawang ‘yun,” ani Marian.
Dahil sa good experience niya working with them, open si Marian to working with more content creators.
Post sa IG, deleted na rin…
VINA, BREAK NA NAMAN SA BF
‘SINGLE’ ang status na sinabi ni Vina Morales nang makausap sa presscon ng concert niyang The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert. Pero, nilinaw na kahit single siya, masaya at okey ang kanyang puso.
“Hindi lang talaga nag-work ang LDR o Long Distance Relationship sa amin. But I’m happy and hoping that there is someone for me. Sa ngayon, hindi muna ang love life ang focus ko, gusto ko munang magtrabaho,” ani Vina.
Hindi na natanong si Vina sa cause ng breakup nila ng ex na nang i-post niya ang kanilang photos sa Instagram (IG), marami ang natuwa para sa kanya. Marami rin ang nag-wish na sana, si guy na ang kanyang forever, bagay na hindi nangyari.
Deleted na ang photos ng guy sa kanyang IG, hindi na rin nito binanggit ang name ng guy nang sagutin ang tanong kung ano ang nangyari sa kanilang relasyon. Maniniwala ka sa sinabi niyang she’s happy kahit wala siyang love life dahil abot sa tenga ang mga ngiti.
Nagpapasaya kay Vina ang anak na si Ceana at ang marami niyang projects dito. Bukod sa nasabing concert happening on November 16, 2024 sa ballroom ng Winford Hotel Manila, may iba pa siyang shows. Ang maganda kay Vina, hindi siya namimili kung malaki o hindi ang venue.
“Doesn’t matter kung big o small venue, basta I’ll do my best in every performance. It will be a fun and happy show on November 16,” pangako ni Vina.
Produced ng VCSD Entertainment Productions at sa direction ni Vergel Sto. Domingo ang concert. Opening act sina David Young at Nathan Randal at special guests sina Dindo Fernandez at Niña Campos.
May dancers din na makakasama si Vina at may mga costume change siya na parang full concert sa Big Dome o SM Arena ang mapapanood.






Comments