Obiena naka-ginto sa 5.72-meters sa Czeslaw
- BULGAR

- 46 minutes ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 1, 2026

Photo: Gold si 2-time Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa 2026 outdoor season matapos pagharian ang Czeslaw Cybulski Memorial sa Poland. Nahigitan ng 2022 Hangzhou Asian Games titlist ang mga katunggaling sina Owen Heard ng Great Britain na rumehistro ng 5.60-meter matapos pumalyang makuha ang 5.72 na marka, habang pumangatlo si Matteo Oliveri ng Italy sa 5.60-meter matapos makuntento dulot ng pumalyang talon sa 5.67-meter.
Tinalon ni 2-time Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang kauna-unahang gold ngayong 2026 outdoor season matapos pagharian ang Czeslaw Cybulski Memorial na ginanap sa Golecin Stadion, Poznań, Poland.
Kinlaro ng 30-anyos na 4x SEA Games champion ang 5.72-meter na marka mula sa ikalawang subok upang kunin ang kampeonato na may grading silver event sa World Athletics Continental Tour. Nahigitan ng 2022 Hangzhou Asian Games titlist ang mga katunggaling sina Owen Heard ng Great Britain sa inirehistrong 5.60-meters habang 3rd si Matteo Oliveri ng Italy sa 5.60-meters.
Tinangkang kunin ni Obiena ang panibagong season's best sa 5.82 meters, ngunit nabigo itong mailista sa pangatlong ulit at matatandaang may 5.78-m ang World No.12 ranked sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany. “Happy with the progress. The height and numbers are yet to come, but happy to come away with the here at @memorialcybulskiego, and thank you for having me. On to the next,” pahayag ni Obiena sa social media account.
Nakatakdang depensahan ni Obiena ang korona sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games matapos makuha ang kampeonato sa 2022 Hangzhou Asian meet sa itinalang 5.90-m games record para talunin si Huang Bokai ng China at Hussain Al-Hizam ng Saudi Arabia.





Comments