Obiena, naka-6th gold sa Pole Vault Germany
- BULGAR

- 20 hours ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 2, 2026

Photo: Obiena
Rumehistro ng panibagong gintong medalya si two-time Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos kunin ang korona sa 1st International Pole Vault Meeting kahapon (oras sa Pilipinas) sa Cathedral Square, Halberstadt sa Germany.
Madaling kinumpleto ng 30-anyos na 4-time SEA champion ang talon sa 5.76 meters upang makuha ang titulo at daigin SI Seifildin Abdelsalam ng Qatar sa 5.66 meter, habang pumangatlo si American Cole Walsh sa 5.56 meters para kumpletuhin ang podium finish.
Tinangkang higitan ng 3-time Asian Championships titlist ang season best nitong 5.85m na nakuha sa Meeting Madrid 2026, at agad sinubukan ang 5.90m matapos iwasan ang 5.83m, subalit kinalaunan ay nabigo rin siya nang tatlong beses.
Kapwa naman tinangka nina Abdelsalam at Walsh ang 5.76m, ngunit kapwa pumalya, habang tumapos lamang sa 4th place si Gillian Ladwig ng Germany sa 5.31m.
Ito ang ika-anim na gintong medalya ni Obiena, na bago makuha ang ginto ay huling beses nakuha ang top spot ang Czeslaw Cybulski Memorial na ginanap sa Poznań, Poland, para sa unang outdoor season, na sinundan ng World Athletics Continental Tour Silver sa Madrid, Spain.





Comments