Obiena may P10-M reward mula sa Fil-Chi at CKSC
ni Clyde Mariano @Sports | October 07, 2023

Pinakamasuwerte nang maituturing si World no. 2, Tokyo Olympian at Paris Olympics bound Ernest John Obiena nang makaginto sa 19th Asian Games na idinaos sa Hangzhou, China.
Maliban sa P2-M na bigay ng Philippine Sports Commission, si Obiena ay nakatanggap kahapon ng cash reward na P10-M kasama ang P5-M galing kay Filipino-Chinese Federation president businessman-sportsman Cecilio Pedro.
Kasama rin sa nagbigay ng cash reward na P3-M ang alma mater ni Obiena na Chiang Kai Shek College kung saan siya nag-aral ng pre-school hanggang high school. P1-M mula kay businessman Anton Tan, at P1-M mula kay Ambassador Carlos Chan.
Suot ang kulay asul na shirt bilang moniker ng mga atleta ng CKS na “Blue Dragons”, pinasalamatan ni Obiena ang alma mater, mga alumni at iba’t-ibang personalidad sa lahat na suporta at tulong na ipinagkaloob sa kanya.
“I expresssed my heartfelt gratitude to all the helps extended to me. I will never forget it all my life. These helps indeed motivated and inspired me no end to go for the gold in 2024 Paris Olympics,” sabi ni Obiena sa isang okasyon sa Chiang Kai Shek College Auditorium.
Sinabi ni Obiena na pinaghahandaan na niya ang 2024 Paris Olympics at deteminado and 28-anyos na pole vault icon na sungkitin ang ginto na hindi niya nakuha sa Tokyo.
Bibili rin siya ng bagong poles para magamit sa training at competition. “The focus of my attention is the Paris Games. I have ample time refining and polishing my jumping. I will compete in many tournaments next year before the Paris games,” wika ni Obiena.
Hawak ni Obiena ang personal best at Asian record na six meters na ginawa sa World Athletics sa Budapest, Hungary at Berjen Challenge Jump sa Norway. Nanalo si Obiena sa Asian Athletics sa Thailand, at Southeast Asian Games sa Cambodia.





Comments