Obiena, inaasahan ang gold sa 31st SEA Games
ni Gerard Arce - @Sports | March 15, 2022

Napabilang pa rin sa listahan ng Philippine Olympic Committee si Olympian pole vaulter Ernest John Obiena bilang parte ng ‘entry by name’ na isusumite sa organizers ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na magsisimula sa Mayo 12-23.
Parte umano ang 26-anyos na 2019 SEAG gold medalist sa kabuuang 654 na atleta na isasalang ng Pambansang koponan para sa biennial meet na tutulong upang makapuwesto sa Top 3 ang bansa na inaasahang matinding kalaban ang host country at ang Thailand at Indonesia. “EJ’s name must be there,” pahayag ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na pinagsusumikapang maisama ang Asian record holder at World No.5 ranked sa Vietnam Games na tiyak umanong malaki ang tsansa sa gold medal.
Nagtala ng panibagong Asian record ang 2019 Universiade champion sa 5.93-meters sa 2021 Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria, sapat upang sirain ang dating marka na hinawakan ni 2-time Olympian at 1997 Paris World Indoor titlist Igor Potapovich ng Kazakhstan ang marka na 5.92 na naitala noong Hunyo 13, 1992 sa Dijon, France.
Hawak din nito ang SEA Games record na 5.45-meters na inirehistro noong 30th edition sa New Clark City track oval at kabilang sa 11-gold medals ng athletics team.Nagkaroon lang ng problema si Obiena sa kanyang mother federation na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) Nagdulot ito sa hindi pagsasama kay Obiena sa national team, kaya’t nawalan ng endorse sa paglalaro sa ilang World Indoors championship at namemeligrong makapasok sa deadline of entries sa SEAG, gayundin sa World Championships sa Oregon at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.





Comments