Obiena ginto sa Golden Sand, may bagong best record
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 18, 2026

Photo: Circulated / fisu
Ginto para sa 5.91m si Ernest John Obiena. Nagawang lundagin ng Olympian na si Obiena ang 5.91 m upang mapanalunan ang gintong medalya sa Golden Sand 2026 na ginanap sa Promenada Gwiazd, Miedzyzdroje sa Poland.
Ito ang ikawalong gintong medalya ni Obiena ngayong season. Sa nakaraang dalawang taon bago muling nasilayan ni two-time Olympian pole vaulter Obiena ang higit sa 5.90-meter na marka matapos maisakatuparan ang panibagong season best.
Dinaig ng three-time Asian Championships titlist ang mga maaaring maging karibal sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games na sina Seifeldin Abdelsalam ng Qatar na kumuha ng 5.75 m para sa silver medal at Hangzhou Asian Games bronze medalist Hussein Assem Al Hizam ng Saudi Arabia na tumalon sa 5.70 m (season best) para kapusin sa fourth place, habang bronze medalist si American pole vaulter Cole Walsh sa 5.70 m.
"I am very pleased with this performance; it’s my best result of the season. I haven't jumped at the 5.90-meter level in nearly two years, so returning to this form is doubly satisfying. I love jumping in Poland; the city makes a great impression, and the conditions and scenery are wonderful,” pahayag ni Obiena sa post-interview matapos ang laro. Naghahanda si Obiena para sa isang depensa sa titulo sa Asian Games sa Setyembre.





Eight golds this season is crazy. @tag unblocked