Obiena bumira ng 5.82 M, 9th gold sa ISTAF Berlin
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | September 1, 2026

Photo: EJ Obiena - IG
Rumehistro ng 5.82 meters si Filipino pole vault star Ernest John “EJ” Obiena sa ISTAF Berlin upang makamit ang ika-siyam na gintong medaya ngayong 2926 kahapon ng umaga sa Olympiastadion sa Germany.
Sinigurong makukuha sa unang subok ng 2-time Olympian ang naturang talon upang makabawi sa 6th place finish sa Wanda Diamond League nang tumalon sa 5.81 metro at higitan ang walong katunggali. “5.82m here in Berlin for the gold,” ani Obiena sa Instagram post. “Thank you @istaf_berlin for having me. Hope to see you again next year!!! #parasabayan.”
Tinangka pang talunin ni Obiena ang bagong season-high sa 5.97m, subalit tatlong beses nabigo, upang manatiling tangan ang season best na 5.91-metro na talon sa Golden Sand 2026, na nahigitan ang 5.90-m sa 2024 Paris Olympics na kinapos sa 4th place.
Nakopo ng 30-anyos na 4-time SEAG champion ang ikaapat na titulo sa kompetisyon matapos higitan sina Ylio Philtjens ng Belgium sa 5.72 meters na nahigitan sa countback si Robin Emig sa 5.72 metro.
Kinapos ang Olympian na si KC Lightfoot ng US sa podium finish sa 5.62m, gayundin ang 2-time Olympian na si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany sa 5.62m sa 5th place katabla si Asian contender Seifeldin Abdesalam ng Qatar sa 5.62m.





Comments