top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

‘Obet’ hahataw sa weekend — PAGASA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | October 19, 2022


Makararanas ang maraming bahagi ng Northern Luzon ng malakas hanggang sa intense rains sa weekend dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) na nadebelop at naging Tropical Depression Obet ngayong Miyerkules, batay sa PAGASA.


Sa kanilang 11AM advisory, ayon sa state weather bureau, pinananatili ni ‘Obet’ ang kanyang lakas habang kumikilos ng hilaga-pahilagang kanluran sa buong Philippine Sea.


Sinabi rin ng PAGASA na katamtaman hanggang sa malakas at paminsan-minsang intense rains ang posibleng maranasan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, at northern portion ng Cagayan mula Biyernes hanggang Sabado.


Habang ang Batanes, northern portion ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at natitirang bahagi ng mainland Cagayan ay makararanas din ng bahagya hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan.


Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente ng naturang lugar sa maaaring pagbaha at ang tinatawag na rain-induced landslides.


Batay sa state weather bureau, maaaring itaas ang wind warning signals sa ilang mga lugar sa Northern Luzon ngayong Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.


Posibleng tahakin ni Obet, na kumikilos ng 15 kilometro kada oras, ang Extreme Northern Luzon o ang northern portion ng mainland Luzon sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.


Ayon pa sa PAGASA, “Obet may become a tropical storm. It is likely to further intensify once it reaches the West Philippine Sea.”


Huling namataan ang Tropical Depression Obet sa layong 1,025 kilometro east ng Extreme Northern Luzon ng alas-10:00 ng umaga, taglay ang maximum sustained winds na 45 kph malapit sa sentro habang may gustiness na aabot sa 55 kph, sabi ng PAGASA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page