Oath-taking ng mga bagong opisyal ng LMP, pinangunahan ni P-BBM
ni Lolet Abania | October 1, 2022

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ng mga bagong halal na mga opisyal ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) nitong Biyernes, Setyembre 30.
“We thank the outgoing officers of the League of Municipalities of the Philippines and congratulate the newly-elected officials and members who took their oath of service today,” pahayag ni Pangulong Marcos sa sa kanyang Instagram account.
“Together, may we take good care of the trust placed in us by adhering to our pledge to be just and morally upright leaders as we strive to realize our goals for our beloved nation,” dagdag niya.
Sa isang tweet, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ipinaalala ng Punong Ehekutibo sa mga bagong naihalal na local chief executives ang kanilang responsibilidad na itaguyod ang isang tinatawag na people-centered bureaucracy sa kanilang mga komunidad.
“Malugod nating binabati ang mga bagong opisyal ng LMP at hangad natin ang mabuting pamamahala para sa ikabubuti ng ating mga kababayan,” saad ni Cruz-Angeles.





Comments