Oath taking ng Bar passers, sa Disyembre 22 na

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 8, 2023

Gaganapin ang oath taking at signing of the Roll of Attorneys ng mga bar passers sa ika-22 ng Disyembre sa SMX Convention Center sa Lungsod ng Pasay, ayon sa Supreme Court (SC).
Kabuuang 10,387 sa 10,791 na registered examinees ang sumailalim at tumapos ng tatlong-araw na 2023 Bar examinations na isinagawa ng SC noong Setyembre 17, 20, at 24.
May bar admission fee na P5,000 ang kada bar passer.
Nagbigay-daan ang 2023 Bar exams sa mga bar passers na magsimula sa kanilang propesyon sa parehong taon ng kanilang mga pagsusulit.





Comments