top of page

OA daw makapagyabang… DIANNE, IPINOST SA IG NA P170K ANG TUITION NG ANAK SA NURSERY PA LANG, SINOPLA NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 5, 2024



Showbiz News

Inulan ng batikos ang TV host na si Dianne Medina dahil sa ipinost niyang resibo ng tuition fee ng kanilang anak ni Rodjun Cruz na si Joaquin, na mag-aaral sa Ateneo University. 


Nasa P170 thousand ang tuition fee na binayaran nina Dianne at Rodjun para sa kanilang panganay na nasa Nursery 2.


Matapos mahalukay ang resibo ng kanyang tuition fee noong nag-aral siya ng Kinder sa Holy Spirit, QC noong 1991, naikumpara tuloy ito ni Dianne sa tuition fee ngayon ni Joaquin.


Caption ni Dianne sa kanyang Instagram post ng mga resibo, “Grabe, ‘yung tuition fee ko may receipt na dated May 7, 1991, Kinder, Holy Spirit QC – P2,521.50 pesos lang. Fast forward now 170K si Joaquin Nursery 2. Grabe. Hahaha!”


Naging mayabang ang dating ng IG post ni Dianne kahit na ang intensiyon lang naman niya ay ipakitang namangha siya sa laki ng difference ng tuition fee noong nag-aral siya at ngayon sa kanyang anak.


Sey ng mga netizens, “Ang tuition fee nga ng anak ko sa California Montessori, umabot ng kalahating milyon sa PHP a year, hindi ko naman iniyabang (smiling emoji) kasi wala naman rason na kailangan pa malaman ng tao pati presyo ng tuition fee. 


“Mas maganda pang maging low key or humble tayo, sa dami ng tao na naghihirap, binaha pa ng bagyo, mas mainam pa na tumulong tayo nang tahimik din. Maraming naghihirap, sobra sakit sa puso makita ang mga kababayan natin na grabe ang pinagdadaanan (praying emoji).”


“Mag-ingat po tayo, parating na naman ang bagong bagyo. Dianne, sobra na ang baha at hangin, lahat mag-ingat. Mas malakas itong bagyong Dianne. In Jesus name, Amen.”


“Malala pa sa bagyo ang ka-OA-an n’ya. Hahaha!”


“Sinampal na naman ako ng kahirapan (laughing emoji).”


May mga netizens din namang nagtanggol kay Dianne.


“Kung may pera naman at kayang tustusan, why not? Tingin ko naman, kaya nila, ikinumpara lang noon at ngayon. Noon kasi, mura pa ang bilihin, ngayon, triple na.”


“Why not kung kaya naman. Kung ako naman, may pera, I will do the same. 3 kids ko ngayon, nasa private, mahal, oo, pero panatag naman ang loob ko na safe ang mga bata at komportable.”


Tsika naman ng isang netizen, “‘Wag na sana n’yang isapubliko, nagmukha lang s’yang mayabang.”


May netizens ding ikinumpara si Dianne kay It’s Showtime (IS) host at Makati City Councilor Jhong Hilario. Pinuri nila ang pagpasok ng anak ni Jhong na si Sarina sa isang public school sa Makati.


“Bilib pa rin ako sa mga magulang ni Sarina Hilario.”


“Indeed, Jhong can very well send Sarina to an exclusive school but they opted to send her to a public school. After all, it doesn’t make a difference. It’s the same school, it’s in the best interest of the child...”

Ganern.



Baka natuklaw ng ibang 'ahas'…

MORENONG AKTOR-PULITIKO, PROUD NA IBINIDA SA KAPWA AKTOR NA NAPA-AGUY! AGUY! ANG GF SA SEX NILA 


Da Who Blind Item

BLIND ITEM:

MAY dalawang guwapong aktor na nagkukuwentuhan. Sa hindi kalayuan ay naririnig ng award-winning director ang pagbibidahan nila sa kanilang sex encounters with their respective girlfriends. 


Kumbaga, “boys talk” ‘yun. So, keber naman ng award-winning director sa kuwentuhan ng dalawang guwapong aktor.


Until naulinigan ng award-winning director ang kuwento ng morenong aktor-politician na bigla raw napa-"Aguy! Aguy!" ang girlfriend niya habang nagse-sex sila. 


Kaya kahit hindi raw banggitin ni actor-politician ang pangalan ng girlfriend na ka-sex niya, biglang nagkaroon ng idea si award-winning director kung sino ‘yung babaeng napa-"Aguy! Aguy!"


Naku, ha, ayaw ng kanta ni Selina Sevilla na "Aray, Naku" ng ganyan, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page