OA ang reaksyon nina SP Chiz at Anti-Divorce Senators, CBCP sa Divorce Bill
- BULGAR

- May 30, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 30, 2024

SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN, PINUPURI MGA PULIS NA MAY NAPAPATAY NA SANGKOT SA DROGA, SA PANAHON NG MARCOS ADMIN SINISIBAK -- Sinibak ng Marcos administration sa puwesto ang hepe ng Davao City police at 37 tauhan nito dahil sa isyung pagpatay sa mga sangkot sa droga sa lungsod.
Kontra-pelo talaga ang Marcos admin at nakaraang Duterte administration.
Sa Duterte admin kasi ay pinupuri ang mga pulis na ‘nakakapatay’ sa mga sangkot sa droga, kabaligtaran sa Marcos admin kasi sinisibak sa puwesto ang mga parak na may napapatay na dawit sa illegal drug activities sa bansa, boom!
XXX
DAPAT ANG I-PHASEOUT SA ‘PINAS POGO, HINDI TRADITIONAL JEEPNEY -- Sa kabila ng mga mainit na isyu tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay patuloy pa ring nag-o-operate ang sangkaterbang POGO sa bansa at dahil dito ay nagsulong na si Sen. Win Gatchalian ng panukalang batas para ipagbawal ang POGO operations sa ‘Pinas.
Sa totoo lang, itong mga ‘salot’ na POGO ang dapat pini-phaseout ng Marcos admin sa bansa, pero ang masaklap, ang napagdiskitahang i-phaseout ay ang mga traditional jeepney sa ‘Pinas, tsk!
XXX
NAKAKABAHALA ANG PROMISE NG MARCOS ADMIN NA BABABA ANG PRESYO NG BIGAS, KASI KABALIGTARAN ANG NANGYAYARI, MAS NAGMAMAHAL PA -- Ipinangako ng economic team ng Marcos admin na sa September 2024 ay posibleng bumaba raw ng 20% ang presyo ng bigas sa ‘Pinas.
Sa totoo lang, nakakabahala kapag nagpa-promise ang Marcos admin tungkol sa pagbaba ng presyo ng bigas kasi kabaligtaran ang nangyayari, tulad ng campaign promise noon ni PBBM na gagawin daw niyang P20 per kilo ang bigas, pero nang maupo na sa Malacanang, imbes matupad ang pramis, ay mas lalong tumaas ang presyo ng bigas, may pagkakataon pang umabot ng P60 ang per kilo sa merkado, boom!
XXX
NAPAKA-OA NG REAKSYON NG CBCP, NINA SP CHIZ AT ANTI-DIVORCE SENATORS SA DIVORCE BILL -- Masyado namang over acting (OA) ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (OA), nina Senate Pres. Chiz Escudero at iba pang anti-divorce senators sa naipasang Divorce Bill sa Kamara, na ang reaksyon nila ay para bang lahat ng mag-asawa ay apektado sa bill na ito, na ang lahat ng mag-asawa ay maghihiwalay na sa pamamagitan ng diborsyo.
Malinaw naman sa batas, na ang maghihiwalay lang sa pamamagitan ng diborsyo ay ang mag-asawang laging nag-aaway na indikasyong hindi na sila nagmamahalan kaya’t dapat nang maghiwalay, period!



Comments