top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

O'Bryant ng Bolts, sakalam ang boltahe kontra Dyip

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 8, 2022



Nasungkit ng Meralco Bolts ang unang panalo matapos patirikin ang Terrafirma Dyip sa bisa ng 105-92 kahapon sa unang laro ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Binuhat ni import Johnny O’Bryant ang Bolts sa pamamagitan ng double-double na 31pts, 11 rebounds, 4 assists, 3 steals at 1 block mula sa 11-of-26 shooting para madala sa 1-2 kartada ang Meralco na patuloy na nami-miss si Chris Newsome mula sa injury.


Nagsimulang mag-init ang boltahe ng Meralco sa 4th period nang magpasimula itong mag-init sa 17-6 blast ng itala ang 96-82 kalamangan sa nalalabing 5:52 ng laro mula sa tres ni Allein Maliksi, na nagtapos naman sa 18pts, 6 rebs, at tig-2 assists at steals para tapusin ang two-game losing streak nito.


Halos pantay ang laban ng dalawang panig ng makuha ng Terrafirma ang first period mula sa tulungan ng mga locals na sina Joseph Gabayni, Joshua Munzon at Camson para makuha ang 27-26. Nagtulong-tulong naman sina Cliff Hodge, Black, Quinto at O’Bryant para maagaw nito ang maliit na bentahe sa 55-52 pagpasok ng halftime.


Bahagya namang naibaba ng Terrafirma ang kalamangan ng Meralco sa third period ng umatake ito ng 9-0 run mula sa 67-79 na bentahe patungo sa 76-79 sa pagtatapos ng third quarter sa pagbibida ni Lester Prosper.


Sunod na makakalaban ng Meralco ang Converge FiberXers sa Oct 15, Sabado, habang babawi ang Terrafirma para sa unang panalo kontra Blackwater Bossing sa Biyernes, Oct 14.

Mga laro ngayong araw (Sabado) (Smart Araneta Coliseum) 3:00 n.h. – NLEX Road Warriors vs Phoenix Super LPG; 5:45 n.h. – TNT Tropang Giga vs Northport Batang Pier

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page