top of page
Search
  • BULGAR

Nurse, ni-liposuction ang sarili, dedo

ni Loraine Fuasan (OST) | March 31, 2023




MEXICO — Binawian ng buhay ang isang nurse matapos subukang i-liposuction ang kanyang sarili sa isang cosmetic surgery clinic sa Morelos State, noong Marso 23.


Isinagawa ang liposuction na pagmamay-ari ni Dr. Rolando Samper Mendoza, na siyang nagsagawa ng liposuction sa nasabing nurse.


Matapos umanong umalis ni Dr. Mendoza ay inoperahan umano nito ang kanyang sarili.


Ayon kay Dr. Mendoza, dumalo umano siya sa isang conference meeting para sa Mexican Association of Plastic, Aesthetic sa Guadalajara.


Dagdag pa nito, ‘di raw dumaan sa training ang nurse kung paano ang tamang proseso ng paggamit ng anaesthesia at wala rin umano itong authorization.


Batay sa imbestigasyon, nasobrahan umano sa pagturok ng anaesthesia ang kinilalang nurse na si Carina, 30-anyos. Sinubukan pa umanong isalba ang biktima ng kanyang mga katrabaho ngunit bigo ang mga ito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page