top of page

Nuns vs. St. John agawan sa Final 4 ng SGVIL-DLSU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | April 29, 2026



ANG top 8 teams sa quarterfinals ng Shakey’s Super League GVIL Rising Stars Cup, sino ang mananaig para makatuntong sa finals? (fbpix)

Photo: Ang top 8 teams sa quarterfinals ng Shakey’s Super League GVIL Rising Stars Cup, sino ang mananaig para makatuntong sa finals? (fbpix) 


Itataya ng defending champion National University Nazareth School (NUNS) ang korona laban sa St. John’s Institute sa win-or-go-home final eight upang makapasok sa pinag-aagawang Final Four ngayong araw sa Shakey's Girls Volleyball League sa La Salle Green Hills Gym.


Pipilitin ng grupo nina Raine Alonzo, Bella Cruz at Alas Pilipinas Girls member Xyz Rayco na mapanatili ang unbeaten record sa pagsisimula ng mga aksyon bandang alas-10:00 ng umaga sa Court 1.


Mayroong malinis na kartada ang Lady Pullpups kasunod ng 4-game sweep sa Pool A na hanap ang maging kauna-unahang back-to-back champions ng pinakamalaking grassroots volleyball league na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor at Peri-Peri Charcoal Chicken. 


Makikipagtagisan naman ang Pool C second place St. John’s na ilalaban nina high-scoring winger Caera Celis at Kristel Mirasol upang maitala ang malaking upset, habang ang last year runner ups na Bacolod Tay Tung ay nanatiling walang talo sa apat na laro na haharapin ang Season 2 champion Adamson University sa maituturing na rematch noong 2024 title showdown.


Ang Pool D queens na University of Santo Tomas ay makakaharap ang King’s Montessori School, habang ang unbeaten na FEU-Diliman ay makakaharap ang Immaculada Conception College sa Court 2.


Ang reigning Division 2 champion na Domuschola International School ay haharapin ang undefeated na University of Batangas High School sa quarterfinal meeting, habang ang UST-B at Bacolod Tay Tung-B ay bubuksan ang sagupaan sa Court 1, gayundin ang walang talong NUNS-B laban sa DLSU Green Hills, habang ang Corpus Christi School ay babanggain ang St. Jude sa Court 2.


Masisilayan ang quarterfinal matches sa best-of-3 sets format, habang ang semifinal at final ay gagawing best-of-five sets at winner-take-all matches, ayon sa pagkakasunod sa mga larong mapapanood at matutunghayan sa live at on-demand sa PusoP.com livestream at Solar Sports.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page