Nunes nagretiro na sa UFC, Yude new coach ng Adamson

ni Gerard Arce / MC @Sports | June 14, 2023

Dinurog ni Amanda Nunes si Irene Aldana sa pamamagitan ng unanimous decision sa UFC 289 noong Sabado ng gabi (Linggo, oras sa Maynila) para hawakan ang kanyang bantamweight title bago ipahayag ang kanyang pagreretiro.
Nangibabaw si Nunes sa laban na nakakuha ng mas maraming hit kaysa sa kanyang kalaban, habang paulit-ulit na hinimok ng corner ni Aldana ang kanilang mandirigma na magpatuloy sa opensiba. Sa ibang laban, nanalo si Charles (Do Bronxs) Oliveira sa pamamagitan ng TKO sa co-main event laban kay Beneil Dariush sa isang madaliang laban.
Gayundin, nanalo si Aiemann Zahabi sa pamamagitan ng knockout laban kay Aoriqileng, at tinalo ni Mike Malott si Adam Fugitt sa pamamagitan ng submission. Nanalo si Diana Belbita sa preliminary fight stage habang sina Nelson at Zahabi ang nanalo sa preliminaries. Nagwagi si Marc-Andre Barriault sa kanyang middleweight bout sa main card bago ang panalo ni Malott sa welterweight class.
Samantala, uupo bilang bagong head coach ng Adamson University Lady Falcons si alumni spiker JP Yude upang ipagpatuloy ang volleyball program ng koponan matapos bumaba sa pwesto si dating two-time collegiate champion coach Jerry Yee.
Dating naglaro para sa Adamson men’s volleyball team si Yude sapol noong season 80 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), habang ginabayan nito sa kampeonato ang Adamson Baby Falcons Girls’ team nitong nagdaang season 85.
Makakasama ni Yude sa bench si dating Lady Falcons at Akari Chargers libero Shiela May “Bang” Pineda bilang assistant coach upang subukang dalhin ang koponan sa inaasam na finals matapos makopo ang third place finish sa nakaraang season.
Papalitan ni Yude si Yee na gagabayan ang professional team na Farm Fresh Foxies sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na magsisimula sa Hunyo 27.





Comments