top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nunes, muling nagkampeon sa UFC women's bantamweight

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports |August 1, 2022




Muling napasakamay ni Amanda “Lioness” Nunez ang pagiging two-division World champion nang mabawi ang women’s bantamweight title ng dominahin si Julianna Pena na naharap sa kanyang unang title defense sa bisa ng unanimous decision sa main event ng UFC 277 kahapon.


Nahirang bilang double-champion ang 34-anyos na Brazilian fighter nang ibigay sa kanya ng mga hurado ang 50-45, 50-44, at 50-43 panalo na minsang nabitawan nito noong Disyembre sa Las Vegas na naging isa sa mga malalaking upsets sa kasaysayan ng UFC.


Napabagsak ni Nunes si Pena ng tatlong beses sa second round kasunod ng dalawang right hooks at isang kaliwa sa noo, habang gumamit ng mabisang take down ito para dalhin sa grounds sa 3rd round. Muling isinalpak ni Nunes si Pena sa 4th at 5th round, kung saan nagdulot ng matinding pagdurugo ang mukha ng kalaban.


Pinabagsak naman ni Brandon Moreno si Kai Kara-France sa third round KO sa co-main event sa nakatakdang five-round bout para sa interim men’s flyweight championship. Itinigil ni referee Herb Dean ang laro sa 4:34 ng tamaan ng isang liver kick ni Moreno si Kara-France na sinundan ng panapos na atake, kahit pa man mayroon itong malalim na sugat sa kanang mata na naging sanhi ng matinding pagdurugo.


Matatandaang naagaw ni Deiveson Figueiredo ang flyweight belt mula kay Moreno noong Enero mula sa unanimous decision para sa pagtatapos ng kanilang trilogy fight sa 125-pound division. Ngunit dahil nagkaroon ng hand injury si Figuereido kaya nagkaroon ng interim title, subalit matapos ang laban ay muling hinamon ng Brazilian ang Mexican fighter na si Moreno para sa undisputed title sa Brazil na agad naman tinaggap ni Moreno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page