top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Number coding exemption sa senior, pag-aralang mabuti

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 8, 2024


Ilang mambabatas ang humirit sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-exempt ang mga senior citizen mula sa umiiral na “number coding scheme”.


Sa joint hearing ng House Committees on Ways and Means, Senior Citizens, at PWDs, natanong kung may “coding privileges” ba ang senior citizens.


Bilang tugon, mayroon umanong exemption pero sa PWDs lang at ang aplikasyon ay kailangang aprubahan ng MMDA chairperson.


Kaya naman ipinanukala na isama na rin ang mga senior dahil iilan lang naman umano ang miyembro ng sektor na ito.


Magiging subject to restrictions and eligibility acquisition din naman umano ang pribilehiyo.


Ayon sa kinatawan ng mga senior, kailangan ng exemption sa number coding lalo na kung kailangan silang itakbo sa ospital o magpapatingin sa doktor. 


Nauunawaan natin ang kahilingan lalo na nga ‘pag may emergency. 


Sa ngayon, mas mainam na pag-aralan munang mabuti ng MMDA ang panukala.


Timbangin kung ito ba ay mas makakabuti sa publiko o baka malagay sa alanganin ang purpose ng number coding.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page