Nuclear Bomb, sasabog sa Condition Race 10
- BULGAR
- Sep 2, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 2, 2022
Matagal na napahinga sa pista si 2021 Triple Crown two leg winner Nuclear Bomb pero hindi siya makakalimutan ng mga karerista dahil sa kanyang husay sa karera.
Nakatakdang magpasabog si Nuclear Bomb ngayong araw sa Condition Race Merged (10) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Inaasahang mapapalaban ang pag-aari ni Gabriel Gaerlan na si Nuclear Bomb kontra apat na tigasing kalahok sa distansiyang 1,500 meter race.
Sasakyan ni jockey Pabs Cabalejo, makakatagisan ng bilis ni Nuclear Bomb sina Palibhasa Lalake, Charm Campaign, Gusto Mucho at Shining Vic. "Matagal na walang aktuwal na laban si Nuclear Bomb pero magaling naman siya baka manalo pa rin," saad ng kanyang tagahanga na si Victor Garcia.
Si Nuclear Bomb ang nagwagi sa kontrobersyal na Presidential Gold Cup na inilarga noong December, 2021. Ayon sa ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay Nuclear Bomb ay sina Palibhasa Lalake at Gusto Mucho.
Samantala, 7 karera ang inihanda ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Ang mga karerang pakakawalan ngayon ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Red Hawk (3), Hot Legs (10) Star Of Kidapawan/A Song For Gee (8/8A)
Race 2 - Etnad (8), Grand Majesty (2), Distinction/Vavavoom (1/1A)
Race 3 - Noir (1), Lucky Julliane (8), Flintridge (2)
Race 4 - Best Offer (6), Del Monte (4)
Race 5 - Rockaway (5), Mommy Zen (4), Birthright/Haymaker (9/9A)
Race 6 - Nuclear Bomb (4), Palibahasa Lalake (3)
Race 7 - Aphrodte (9), You never Know (3), Achy Holly (10)





Comments